‘Ikaw ang aking ligaya, ang aking walang hanggan’ – Ice kay Liza
10 years na ang pagsasama…
Palasak na kumbaga na banggitin, pero talagang parang hinihipan lang ang panahon.
Imagine 10 years na pala sina Ice Seguerra and Liza Diño.
Sa post ng singer / director, inaalala niya kung paano nangyari ang kanilang pagsasama.
Kasalukuyan silang nasa Boracay.
“Sampung taon mula nung nagkita tayo ulit para mag tanghalian. Sinong magaakala na ‘yon pala ang simula ng aking habang buhay.
“Mula noon, alam kong hindi na kita kayang mawala ulit dahil ikaw lang ang gusto kong makita sa tuwing pag gising at ang tanging hahalikan bago matulog. Kamay mo lang ang nais hawakan habang tinatahak ang magulong mundo. Boses mo lamang ang nagpapakalma sa kaluluwang pagod. Ikaw lang.
“Ikinasal tayo ng Jan 8 dito sa Pilipinas. Sa harap ng ating mga magulang at malapit na mga kaibigan. Isang pangarap na hindi ko kailanman inasahan na matutupad. Pero posible ang lahat dahil magkasama na tayo. Nakakayang abutin ang mga dating pangarap lamang dahil hindi na ako nagiisa sa pagtupad nito, magkasama na tayo.
“Malayo pa ang daang lalakarin. May mga daang bako-bako, matarik. Maaring madapa, mapagod, at magisip na sumuko pero makakaasa kang hanggat naririto tayo para sa isa’t isa, makakarating tayo sa dulo ng buhay na magkahawak kamay.
“Ikaw ang aking ligaya, ang aking walang hanggan. Ikaw lang.
Sampung taon na tayong naglalandian!
Happy 10th year to us, mahal kong asawa.”
- Latest