Robin, todo pasasalamat sa anak na negosyante!
Nagpasalamat si Robin Padilla sa kanyang anak na si Camille Orosa.
Ang ganda nito at ayon kay Robin very independent.
Negosyante na rin daw. Post ng actor/politician : “SubhanaAllah napakabilis ng panahon kasing bilis ng pintig ng ating puso
“Ang pinakamatanda sa mga anak ko @camiiibella
“may sarili ng negosyo
“napaka independent
“napakapositibo sa buhay
“at manang mana sa kanyang Ina sa pagiging masayahin
“maraming salamat anak ko sa pagbibigay ng panahon sa iyong Ama
“Ang makasama sa maghapon hanggang gabi ang malalaki ng anak ay sapat ng regalo sa bawat magulang sa buhay na ito Alhamdulillah,” buong post ni Sen. Robin.
Obviously wala itong interes sa showbiz at base sa kanyang mga post sa abroad na ito nakatira.
- Latest