Panonood ng TV, kailangan na ulit! ibalik
Very lazy morning ang dating ng ulan kahapon ng umaga.
Para bang ayaw mong tumayo at gusto mo lang maglagi sa kama.
Talagang iba ang pakiramdam pag ganitong klaseng ulan ang nararanasan mo, ang lakas makatamad.
Kaya naman doble ingat pag nasa labas ng bahay.
Pero may maganda naman balita si Gorgy Rula na nasa taping daw ang alaga naming si Sandy Andolong.
Ibig sabihin umaandar pa rin ang TV production at meron pa rin patuloy na trabaho sa showbiz.
Talagang sabi ko nga, mahirap tanggalin ang entertaintment sa tao, lagi itong hahanapin lalo na ng masa.
Tuluy-tuloy pa rin ang Family Feud na talagang nakakaaliw panoorin sa TV kaya suwerte ni Dingdong Dantes dahil siya ang host nito.
At dahil pag masama ang panahon nasa bahay lang ang karamihan siguro naman time na rin para buksan nila ang TV.
Suportahan natin ang mga TV show para naman tuluy-tuloy ang trabaho.
Oo nga at parang maraming sa smartphone na nanonood pero iba para sa akin ang panonood ng TV.
O baka hindi lang sa akin kundi sa iba pang may edad na katulad ko.
Ang liit ng smartphone hindi katulad sa TV na talagang malaki at eye level. Hindi sasakit ang mata mo sa panonood.
Marami akong naririnig na magagandang programa na naka-line up sa mga local channel natin kaya abangan natin ito ngayong 2023.
‘Wag tayong masyadong umasa sa social media o sa ibang platform.
‘Wag natin tanggaling ang panonood ng TV sa bahay.
Protektahan natin ang showbiz industry.
- Latest