^

PSN Showbiz

Seksing aktor na may edad na, pinagkakakitaan ang self sex video

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Kakuwentuhan namin ang isang kasamahan sa trabaho, at napag-usapan namin ang isang dating artista na sumali sa personality search ng isang network ilang taon na ang nakararaan, na may “milagro” pa hanggang ngayon.

Sabi sa kanyang blind item, may tinawagan daw iyong isang gay, humingi ng pamaskong tatlong libo, na sabi raw para happy ang Christmas ng kanyang anak. Nagbigay naman ang bading, at bilang pasasalamat nagpadala naman iyon ng isang self sex video.

Nahulaan namin agad kung sino iyon. Kasi may kaibigan kaming doctor na medyo bading din, na tinawagan din ng dating male star bago mag-Pasko, nanghingi rin ng tatlong libo at pinadalhan din niya ng isang self sex video.

Matanda na ang dating male star. Baka halos singkuwenta na iyon ngayon, pero pumapasada pa rin.

Ina, todo pasasalamat sa mabait na taxi driver

Nagpasalamat nang husto si Ina Raymundo sa isang taxi driver. Naiwan daw kasi ng kanyang anak na lalaki, si Jakob Portunak ang kanyang cellphone sa isang taxi na nasakyan noon. Honest ang driver, nagbalik pa sa kanilang bahay para isauli ang naiwang cellphone sa kanyang sasakyan.

Sabi ni Ina, “may mabubuti pa talagang taxi drivers.”

Totoo naman iyon. Kahit na nitong mga nakaraang araw ay marami ang nagalit sa mga taxi driver dahil matapos ipatupad ng LTFRB ang Oplan Isnabero, mas lalo silang naging snob sa pasahero.

Karamihan sa kanila ayaw gamitin ang metro at sisingilin ka nang mahigit pa sa doble ng karaniwang binabayaran mo. Totoo maraming balasubas na taxi drivers, pero mayroon pa rin namang matino.

Kami rin eh, naranasan namin iyan. Nalaglag sa taxi ang aming wallet, Naroroon ang lahat ng aming cards, pati na ATM at iba bang mahahalagang cards. May pera rin na sapat para pag-interesan ng makakapulot. Nakuha iyon ng naglinis ng taxi sa kanilang garahe, tinawagan kami ng dispatcher, at isinauli ang aming wallet nang buo, walang nawala pati ang pera. Kaya natutuwa kami kung nakakakita ng Kamxan Taxi dahil doon.

Mccoy, kontrobersyal!

Hindi naging kontrobersiyal si McCoy de Leon dahil naging top grosser sa MMFF ang pelikula nila, in fact ni hindi nga siya halos nabigyan ng kredito sa pelikulang iyon. Kontrobersiyal siya ngayon dahil sa bintang na may ibang babaing dinidiskartehan si McCoy kaya sila nagkahiwalay ni Elisse Joson na nanay ng kanyang anak.

Ang samahan nina McCoy at Elisse ay nagkaroon na ng problema at naging ok lang ulit ang kanilang relasyon noong nabuntis at nanganak nga si Elisse. Tapos kamakailan, nagbigay ng isang message si McCoy sa kanilang anak na si Felize na nang makita ng fans, inisip nila na on the rocks na naman ang pagsasama nila.

Ngayon nga may pinagbibintangan na silang third party kung bakit daw nagkahiwalay sina McCoy at Elisse.

Kagaya ng madalas naming sinasabi, mahirap pakialaman ang ganyang kuwento, dahil wala naman tayo sa loob ng bahay nila. Hindi natin alam kung ano ang totoong score. Maaaring sumama ang isa sa ating tingin, pero hindi ibig sabihin noon na siya nga ang may kasalanan. At saka bakit, opisyal na bang magkahiwalay silang dalawa?

Kung hindi pa naman, huwag nating pangunahan. Hindi dahil hindi umuuwi si McCoy ng ilang araw ay hiwalay na sila.

SEX VIDEO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with