^

PSN Showbiz

Ruffa at mga anak, tuloy ang komunikasyon kay Yilmaz

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Ruffa at mga anak, tuloy ang komunikasyon kay Yilmaz
Venice, Ylamaz at Lorin
STAR/ File

Back to work si Ruffa Gutierrez today for M.O.Ms. (Mhies On a Mission) ng new Channel 2 (AllTV). Ilang weeks din naman siyang nag-enjoy sa Holidays nila ng mga anak na sina Lorin at Venice, kaya excited din siyang mag-work na with Mariel Rodriguez-Padilla at Ciara Sotto.

Sa Friday naman ang alis ni Lorin pabalik ng Los Angeles, California para sa pagpapatuloy ng kanyang school sa Pepperdine University sa Malibu.

Siyempre, magiging emotional na naman si Ruffa. Hanggang maaari, ayaw sana niyang mawalay sa kanya si Lorin, pero siyempre, masaya siya na patuloy nitong tinutupad ang pangarap na makapag-aral nga sa nasabing university.

Soon, mag-aaral din abroad si Venice.

Ang alam ko nga, Ateng Salve, gustong pag-aralin ni Yilmaz Bektas si Venice sa isang boarding school sa London, United Kingdom, pero mas gusto yata ng bunso ni Ruffa na sa Amerika rin mag-aral at malapit daw sa kanyang ate.

Anyway, ikinuwento nga pala sa akin ni Annabelle Rama noong isang araw na palaging nakakausap nina Lorin at Venice ang kanilang tatay.

Close na nga raw talaga ang mga anak ni Ruffa kay Yilmaz.

“Kahit naman si Ruffa, nakakausap si Yilmaz,” impormasyon pa ni Bisaya.

Well...

Regine, normal na ulit ang sked

Ang ASAP Natin ‘To! ng ABS-CBN, live na uli on Sunday at marami raw silang mga pasabog.

May taping na rin sila bukas.

Ang isa sa hosts-singers nila na si Regine Velasquez-Alcasid, sunud-sunod na rin ang trabaho.

Balik-hosting din si Regine sa Magandang Bukas morning talk show ng Kapamilya Network with Jolina Magdangal at Melai Cantiveros. May work na rin sila sa Jan. 11.

At siyempre, pinaghahandaan na rin ni Regine ang Solo 4 nights concert niya sa Circuit Makati on February.

Naku, busy na nga uli ang lahat after ng Christmas and New Year’s break.

Time to work na nga uli talaga, Ateng Salve!

Kahit hiwalay na… Direk Perci at Jun, tuloy ang pagsasama sa isang bubong!

Dahil sa pictures nila noong New Year’s eve na magkasama (kasama pati angtwo kids nila), marami tuloy ang nagtatanong kung nagkabalikan na ba sina Direk Perci Intalan at Direk Jun Lana?

Well, kahit naman kasi nag-decide sila na maghiwalay, still, nagtatrabaho pa rin sila together sa kanilang The IdeaFirst Company.

Hindi rin naman sila naghiwalay ng bahay.

Nang makachikahan namin si Direk Perci kahapon, nasabi niyang, “Co-parenting kami at same house pa rin naman kami kasama ng kids. Saka at least, best of friends kami!”

In fairness, ang bongga ng setup nina Direk Perci at Direk Jun at kahit hiwalay sila bilang mag-asawa ay hindi naman yata puwedeng sabihing estranged couple dahil nga sa ganoong setup nila.

Ang hirap din naman talaga na tuluyan nilang iiwanan ang isa’t isa hindi lang dahil sa kids nila pero siyempre, ang dami rin nilang projects para sa kanilang film company.

Actually, ang daming ganap nga raw sa kanila ngayong 2023 kabilang na ang mga pelikula na ipapalabas sa mga sinehan, pati sa iba’t ibang streaming sites.

‘Yun na!

vuukle comment

RUFFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with