^

PSN Showbiz

Pamilyadong aktor, seryoso na ang relasyon sa flight attendant

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

Some years back, Ateng Salve, while I’m in London, United Kingdom, naichika sa akin ng isang friend na nakita niya ang isang premyadong aktor na kasama ang “anak” nito na isang FA (flight attendant).

Pero hirit niya, “Pero parang hindi naman niya anak talaga.”

May secret anak nga ba si premyadong aktor o “anak” lang ang pakilala niya sa kanyang kasama?

Sa pagtatanung-tanong ko sa ilang malalapit kay premyadong aktor, nalaman ko na girlfriend pala niya si FA.

Siyempre, secret ‘yon dahil may misis na si premyadong aktor, bukod pa sa mga dating nakarelasyon na open naman sa public.

Anyway, fast forward tayo, ka­makailan lang, nabuking ng misis ni premyadong aktor na hanggang ngayon pala ay karelasyon pa niya ang nasabing FA.

Ang tagal na rin ng relasyon ng dalawa at mukhang serious nga si premyadong aktor kay FA, na siyempre pa ay sobrang ikinasasama ng loob ng kanyang misis.

Ang chika pa nga ng isang malapit kay aktor, sobra raw nitong ginagastusan ang karelasyong FA.

Tsk... tsk... tsk...

Petsa ng kasalang Maja at Rambo, top secret!

Nasa Canada pa ang engaged couple na sina Maja Salvador at Rambo Nuñez.

Enjoy raw ang dalawa sa Christmas break nila roon, ayon kay Ms. Marilen Nuñez, nanay ng fiancé ni Maja.

Tinanong ko si Tita Marilen kung ready na ba siya sa wedding nina Maja at Rambo? “Ready anytime,” sagot niya.

Nang tanungin ko siya kung kelan nila iri-reveal ang petsa ng kasal nina Maja at Rambo, ni-like lang niya ang message ko at hindi sinagot.

Talagang top secret pa nga ang tungkol sa kasalang Maja-Rambo. Ni walang pa-”off the record” ang nanay ng groom, huh!

Regine, sa solo muna tututok!

Ang bongga talaga ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.

Sobrang excited na ang fans ng misis ni Ogie Alcasid para sa Solo concert ng Kapamilya singer-TV host na magaganap sa Circuit Makati on Feb. 17, 18, 24 & 25.

May ilang fans si Regine na based abroad ang nakakachikahan namin at nakapag-book na raw sila ng flights pa-Philippines dahil hindi nila palalampasin ang Solo.

In fairness, marami kaming nami-meet na fans ni Regine sa kanyang mga concert na galing talaga sa ibang bansa at ganoon ka-fanatic sa kanya at umuuwi ng bansa kapag nagsu-show siya.

Sa ngayon ang Solo nga pala muna ang tututukan ni Regine and after ay ang second leg na ng Iconic US Tour nila ni Sharon Cuneta ang pagkakaabalahan niya dahil sa March na magaganap ‘yon.

‘Yun na!

vuukle comment

FLIGHT ATTENDANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with