^

PSN Showbiz

Mga negosyong pampaganda, tuloy ang pagdami

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ewan ko ba kung bakit pero parang may pandikit ang higaan natin ngayon. Tanghali na ako nagigising lately.

Pero nagulat ako na nagpadala sa akin ng hikaw si Vanni Patillas, na late siguro ‘yung padala ni Rhea Tan. Si Vanni ang CEO ng IVI Meth at si Rhea Tan naman ang may-ari ng Beau­tederm.

Bukod sa kanila, bongga ako dahil dalawang beauty clinic pa ang friends ko, sina Dra. Vicki Belo at Rubby Coyuito ng Flawless. Kaya feeling ko talaga beauty ako dahil left, right, front, back, nandiyan ang beauty doctors and clinics.

At siguro nga talagang booming ang business dahil every year dumarami sila. Ang husay ng mga PR nila.

Sina Vanni  at Rhea medyo nahuli lang ng konti kina Dra Vicki at Rubby pero madaling naka-catch up dahil nga mabait at talagang spoiled din ang ilang press na kaibigan nila.

Bongga.

‘Sa halip na maging nega, maging positibo na lang sa mundo’

So far naging maganda ang year 2022 sa akin.

Nakaka-guilty nga na lahat nagsasabi na nahirapan sila sa pandemic pero ako at iba pang malalapit sa akin parang mas naging maganda ang takbo ng lahat.

Siguro nga dahil naging positive kami nina Salve at Gorgy Rula.

Hindi natin pinansin ang mga tao na wala naman maitutulong pero mahilig mag-nega. Iyon bang sa gitna ng mga nangyayari sa halip maging positive walang ginawa kundi tingnan ang puwedeng ipintas sa iba lalo sa atin. Hindi pa ba nila nakita na kahit anong gawin o sabihin nila nandito pa rin tayo, nakatayo.

Sana lang sa halip na maging nega sila sa atin, maging positibo na lang sa mundo baka mas gumanda pa ang buhay nila.

Sayang lang ang oras nila dahil heto masaya pa rin tayo. Bongga pa rin.

RHEA TAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with