Namatay ang kapatid...Snooky, nagluluksa
Alam mo, Ateng Salve, nagluluksa ngayon si Snooky Serna dahil namatay noong Dec. 26 ang brother niyang si Anton.
Sayang nga at hindi ako makakapunta sa burol ni Anton somewhere in Makati City dahil nasa Dubai, United Arab Emirates ako ngayon, pero nagkausap naman kami kahapon ni Snooky. Ok naman daw siya nang makausap ko.
Heart enlargement ang sakit ni Anton at nagka-pneumonia rin ito bago tuluyang binawian ng buhay.
Sobrang close si Snooky at ang kanyang brother at noong madalas kaming lumalabas ng aktres ay nakakasama rin namin si Anton.
Kuwento pa ni Snooky, bukas daw ililibing ang mga labi ng kanyang kapatid.
Nakaalalay palagi ngayon kay Snooky ang boyfriend niyang si Ramon Villarama kaya kahit sobra siyang nagdadalamhati ay nasasabi niyang ok naman siya.
To Snooky and her family, our condolences!
Anak ni Nikki, napa-react sa pangalan ng jowa sa pelikula!
Kahapon ay sumipot si Nikki Valdez sa special preview ng 2022 Metro Manila Film Festival entry nila na Family Matters.
Bago nagsimula ang preview, saglit naming nakachikahan ang aktres.
Naikuwento niya na nag-react ang anak niyang si Olivia Ysabelle dahil Chris ang pangalan ng karelasyon ng character niya sa Family Matters.
Chris kasi ang pangalan ng tatay ni Olivia Ysabelle.
Pero sabi naman daw ng scriptwriter ng pelikula na si Mel del Rosario, hindi sinadya ‘yon at pasensiya na raw dahil naisulat na nito ang script at hindi na pinalitan ang character name ng lalaking karelasyon ni Nikki sa pelikula.
Anyway, maraming nagko-congratulate kay Nikki sa nasabing preview dahil kalat na kalat kung gaano siya kagaling sa kanyang ginampanang character at kahit kami ay nagalingan.
Pansin na pansin siya sa pelikula bilang tanging single na anak ng mag-asawang Noel Trinidad at Liza Lorena na siyang nag-aalaga sa dalawang matanda, pero biglang umalis pa-Amerika para magkita sila ng ka-video call niya palagi na si Chris.
Siyempre, hindi na namin ikukuwento pa ang istorya ng Family Matters at dapat na panoorin n’yo na lang ‘yon.
Yes, Ateng Salve, noong una ay wala akong balak panoorin ang Family Matters, pero dahil sa word of mouth na sobrang ganda no’n ay nanood din ako at hindi nga nasayang ang oras ko.
Actually, ang katabi kong nanood na si Gorgy Rula ay sobrang cry sa mga eksena ng pelikula.
Pagbalik ko nga mula sa Dubai, manonood uli ako at isasama ko ang mga pamangkin ko!
In fairness, ang galing ng cast, huh!
‘Yun na!
- Latest