^

PSN Showbiz

Geraldine Roman, 6 na Philippine dialects ang Christmas greetings 

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Geraldine Roman, 6 na Philippine dialects ang Christmas greetings 
Geraldine Roman

Bilang nasanay sa iba’t ibang lengwahe, bumabati si Rep. Geraldine Roman ng Unang Distrito ng Bataan ng espesyal na Christmas greetings sa anim na Philippine dialects sa hangarin niyang makarating ang ating mga kababayan.

“Sa isang simpleng paraan, gusto ko lang iparating sa lahat ang isang Paskong Romantik na puno ng pag-asa, tungo sa mas maginhawang buhay,” aniya.

Ang mga 15-seconder Christmas greetings ay inilapat sa mga salitang Ilokano, Pangasinense, Pampango, Bicolano, Cebuano, Ilonggo, at siempre pa, Tagalog.

Naririnig ang mga ito ngayon sa iba’t ibang estasyon ng radyo sa buong bansa.

Si Rep. Roman ay native speaker sa Tagalog at Ingles. Nag-trabaho siya bilang isang journalist na sumusulat sa wikang Kastila sa mahabang panahong namalagi siya sa Spain. Siya ay matatas ding magsalita sa wikang French.

Sa tulong ng dialect and voice coaches, nai-record ni Rep. Roman ang 6 na pagbati sa loob lamang ng 20 minuto bawat isa.

Samantala, mapapanood sa Geraldine Romantik, ang tumatakbong vlog ng mambabatas, ang masayang selebrasyon ng pista ng Immaculate Conception sa Orani, Bataan ngayong Mierkules, December 21, 7 p.m. sa kanyang You Tube channel.

 

GERALDINE ROMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with