Maid.., may part 3 na kaagad!
Naku, Ateng Salve, parang naging fan ako kahapon nang makita ko sina Senator Imee Marcos, Quezon City Mayor Joy Belmonte at Chef Reggie Aspiras sa Pandesal Forum ni Wilson Lee Flores sa Kamuning Bakery.
Alam mo naman, bata pa lang ako ay favorite ko na si Ms. Imee dahil sa Kaluskos Musmos na isa sa showbiz projects niya noong presidente pa ang tatay niya na si Ferdinand Marcos, Sr. (SLN).
Ang kapatid din ni President Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. ang nagprodyus ng Himala na pinagbidahan ni Nora Aunor. Nabanggit nga ni Wilson na naikuwento ni National Artist Ricky Lee na marami itong mga producer na nilapitan para i-produce ang Himala script nito, pero ang senadora lang daw ang pumansin sa nasabing project at ngayon nga ay isa ang Himala sa mga pelikulang itinuturing na very iconic.
Bongga!
Anyway, nasa Kamuning Bakery kahapon sina Sen. Imee, Mayor Joy at Chef Reggie dahil sa launch ng PinakBEST! cookbook.
Ang nasabing cookbook ay naglalaman ng recipes from the Marcos kitchen at kung anu-ano pa. May notes si Chef Reggie sa cookbook na ‘yon.
Kuwento ni Chef Reggie, more than 10 years na ang proyekto nilang ‘yon ni Sen. Imee at akala niya ay hindi na mapa-publish pa, pero natuloy pa rin.
Noong unang ibinigay raw ni Sen. Imee kay Chef Reggie ang mga recipe na isinulat ng una ay literal na sulat kamay raw ‘yon.
Anyway, nabanggit din ni Sen. Imee na noong araw at tambay siya sa kusina ng Malacañang Palace at mga kasambahay nila ang kachikahan niya kaya marunong talaga siyang magluto.
Dinumog nga rin pala si Sen. Imee ng kanyang fans para magpapirma ng binili nilang cookbook niya.
Nabanggit ko nga pala kay Mayor Joy na nakatutuwa na sa Quezon City ni-launch ni Sen. Imee ang PinakBEST! dahil showbiz capital of the Philippines ang nasabing lungsod.
At dahil nga pala sa PinakBEST! ay magkakaroon ng mala-cooking show na ipapalabas sa social media sina Sen. Imee at Chef Reggie.
Bongga!
Sa tanong nga pala namin kay Sen. Imee kung ano pa ang mga plano niya for showbiz dahil talagang maraming umaasa na tututukan niya ang Philippine movie and TV industry, binanggit niya na ginagawa na nila ngayon ang Martyr or Murderer na part two ng Maid in Malacañang at may part three na rin daw ‘yon (ang Mabuhay Aloha Mabuhay, ayon kay Direk Darryl Yap).
“Nagtatalo” pa nga raw sila ni Direk Darryl sa script ng part three na siyempre pa ay tumatalakay sa buhay ng Marcoses.
Wow!
Network war, umiiral pa rin
Hindi ako naniniwala na wala na talagang network war.
Umiiral pa rin naman ‘yon sa ibang shows.
May ibang TV shows kasi na kapag nag-i-inquire sa ibang mga artista ay nagtatanong muna kung may regular show ba ang ini-inquire sa ibang TV networks.
‘Yun na!
- Latest