Laarni, nag-alok ng kidney transplant!
Talagang amazing ang mga nagaganap sa buhay ko, Salve. Hindi ko ma-imagine na for the longest time na hindi ko nakikita o nakakausap si Laarni Enriquez bigla ay nagkaroon ako ng chance na makita siya at makachikahan nang matagal.
Thank you rin kay Jean Saburit at Bebu na talagang nagbigay ng oras sa akin. Imagine na ang purpose ni Laarni para sa aming meeting ay mag-offer ng kidney transplant para makatulong sa sakit ko. How sweet, ‘di ba? Kaya nga parang gusto kong maiyak dahil hindi ko akalain na ganun kabait ang nanay ni Jake Ejercito. Na all these years na hindi namin siya nakakausap at nakikita, may pagmamahal pala siya sa akin.
Talagang kahit may sakit ako, parang blessing ni God na ito ang nagpakita sa akin ng maraming tao na nagmamahal sa akin. My heart is full of gratitude, na kahit ang long lost friends biglang lumalabas para bigyan ako ng lakas ng loob.
Boy, mahal ng mga staff
Bongga si Boy Abunda. Kapuso na siya uli, at type ko ang binigay na welcome sa kanya sa contract signing ng GMA 7. Feel mo na happy ang lahat sa pagiging Kapuso ni Boy, at feel mo rin ang trust niya sa station.
Parang ever since naman mula nang pumasok sa hosting si Boy, ang GMA 7 na ang bahay niya. Isang mabait na talent si Boy na mahal ng lahat ng staff ng anumang show na gawin niya. Very cool at generous kaya tuwang-tuwa ang staff ng kanyang show.
Naku wait natin ang mga wardrobe na isusuot ni Boy, tiyak na isang fashion show ito at hindi kayang talbugan ng iba.
Congrats, Kuya Boy, the long wait is over sa paghihintay na mapanood ka uli sa TV.
- Latest