Claudine malaki na ang ipinayat, pero gusto pa ring pumayat
Alam mo, Ateng Salve, malaki na ang ipinayat ni Claudine Barretto.
Um-attend si Claudine sa premiere night ng Mamasapano: Now It Can Be Told movie na produced ni Atty. Ferdinand Topacio at isa sa eight official entries sa 2022 Metro Manila Film Festival. May special participation siya sa pelikula.
Nang makachikahan namin ang kapatid ni Gretchen Barretto, pinansin namin ang pagpayat niya at dahil daw ‘yon sa intermetent diet na ginagawa niya. Effective ‘yon for Claudine at inaasahan niya na by next year ay mas papayat pa siya.
May mga proyekto raw siyang naka-line up for next year, pero hindi pa sure ang aktres kung ano ang mauuna, pero excited daw siyang magtrabaho uli.
So, sasakay ba si Claudine sa float ng Mamasapano: Now It Can Be Told para sa Parade of the Stars? “Hindi ako makakasali, eh,” sey niya.
Samantala, wala raw balak magbakasyon si Claudine at sa ‘Pinas lang siya magpa-Pasko kasama ang kanyang mga anak.
Anyway, thankful si Atty. Topacio sa pagdating ni Claudine sa premiere night ng Mamasapano... In fairness, feel na feel mo ang eksena ni Claudine kung saan nag-mologue siya sa pelikula bilang misis ng isa sa SAF 44.
Magaling talagang artista si Claudine!
Admin ng social media account, ginagamit ang generous showbiz personality para manghingi ng ayuda!
Ewan ko lang kung aware ang isang showbiz personality na kilala sa pagiging generous na may isang nagpapakilalang administrator ng kanyang social media account and asking for “ayuda” sa ibang mga celebrity.
May sakit daw kasi ang isang kamag-anak ng taong ‘yon. Pero kung administrator talaga siya ng social media ng generous showbiz personality, bakit hindi siya sa kanyang boss mag-ask ng favor dahil matulungin nga ang taong ‘yon?
‘Yung mga taong hindi nga personal na kilala ni generous showbiz personality ay natutulungan niya, what more ‘yung administrator ng kanyang social media account?
Feeling ko, ginagamit lang ng taong ‘yon si generous showbiz personality para makapanghingi ng “ayuda.”
What do you think, Ateng Salve?!
Regine, ‘di nagfi-feeling sikat
Bilib talaga ako sa ugali ni Regine Velasquez-Alcasid.
Nang magkasabay kami sa antigen section ng ABS-CBN at hindi ko siya nakita, siya pa talaga ang unang bumati sa akin.
Malayo ang Asia’s Songbird sa ibang mga feeling sikat na artista’t singers na kailangan sila ang unang babatiin para makipagchikahan sa ‘yo.
Si Regine, very nice sa entertainment press. Sobrang nice rin siya sa mga baguhan sa showbiz na nakikilala niya.
Isa rin si Regine sa mga singer na madalas na sumusuporta sa mga concert ng baguhang singers.
‘Yun na!
- Latest