Jovit, may naiwang lucky charm kay Marcelito!
Isa si Marcelito Pomoy sa mga labis na nalungkot nang pumanaw si Jovit Baldivino noong Biyernes. Malapit na magkaibigan ang dalawa lalo pa’t pareho silang grand champion ng Pilipinas Got Talent. Noong isang buwan pa raw huling nakausap ni Marcelito ang kaibigan. Nang maospital si Jovit dahil sa aneurysm noong isang linggo ay nakadalaw pa raw si Marcelito. “Bago ako umalis (papuntang Indonesia) ay pumunta po ako sa ICU. Kasi may nagbalita sa akin na nasa ICU nga raw po siya. So hindi po ako nag-atubili na pumunta agad before ako pumunta sa Indonesia. No’ng pumasok ako sa emergency room, hinawakan ko ang kamay. Sabi ko, ‘Pre, lumaban ka, hanggang kaya ay lumaban ka. May mga event pa tayo.’ Mga 3:33 sa Indonesia, biglang tumawag ‘yung asawa niya. Hindi na ako nakaimik at umimik na lang po ako nang umiyak. Ang sakit na mawalan ng kaibigan na kagaya ni Jovit kasi sobrang lapit sa akin ng bata na ‘yan,” kwento ni Marcelito.
Hindi lamang isang kaibigan ang turing ni Marcelito sa namatay na singer kundi isang nakababatang kapatid. “Kasi every time na magkasama kami sa event lagi kaming magkausap. Lagi kaming magkadamayan sa lahat ng mga problema kapag nasa event kami. Best man ko po siya sa kasal naming mag-asawa,” pagbabahagi niya.
Para kay Marcelito ay maituturing niyang lucky charm ang kuwintas na ibinigay sa kanya noon ni Jovit sa PGT. Matatandaang si Jovit ang tinanghal na grand winner ng Pilipinas Got Talent season 1 noong 2010 habang si Marcelito Pomoy naman ang grand winner ng season 2 noong 2011. “Lucky charm ko po ‘yon kasi no’ng lumaban ako sa Pilipinas Got Talent season 2, semi-finals pa lang ay nandoon na po siya. Tapos ibinigay niya sa akin ‘yung kuwintas. Pinasuot niya sa akin. Ang hindi ko makakalimutang sinabi niya sa akin ay, ‘Suotin mo ito bro, basta hanggang sa dulo nandito ako para sumuporta sa iyo,” paglalahad ni Marcelito.
Rachel at Carlos, mas priority ang trabaho kesa magkaanak
Sa edad na apatnapu’t walong taong gulang ay hindi pa rin napi-pressure na magkaroon ng anak si Rachel Alejandro. Sa ngayon ay nakararanas ng long distance relationship o LDR ang singer at asawang si Carlos Santamaria. Mahigit isang dekada nang kasal ang dalawa. “To be honest, noong una inu-ultimatum ako ng asawa ko na parang, ‘Ano ba ‘yan? You are always away.’ Noong una it was a source of conflict for us. Pero later on, kasi ngayon we are going on 11 years. I think medyo nahimasmasan na siya. Na-realize na niya na ito na ‘yon. This is it. We just had to deal with it. Mahirap talaga. The adjustment really came from his side. Kasi siya talaga ‘yung nahirapan. At first parang this is not what I signed for, parang may gano’n pa,” pagtatapat ni Rachel.
Hindi pa umano makapagbuntis ang singer dahil na rin sa kanyang mga trabaho. “It was not a conscious decision to not have kids on my part. I think it was more na I prioritize so much ‘yung work, kaya I mention nga na no’ng pandemic I felt lost because wala akong akong anak at ‘yung parang buong buhay ko ay dinevote ko talaga sa trabaho. So parang one day, I just woke up during the pandemic na, ‘Ano ang ginawa ko sa sarili ko? Did I make the right choices?’ so that is something that a woman has to deal with. Kasi siyempre we got to an age na hindi na rin talaga ganoon ka-viable. It’s not impossible, obviously, there’s science. There are things that you can do. Some people choose to adopt pero ‘yung husband ko ‘yung ayaw niya talaga ng kids. Thankfully hindi naman kami itinatakwil ng mga magulang niya na hindi kami nagbigay ng apo. ‘Yung priority talaga naging work in my case. Siya naman ang goal niya sa buhay ay to retire early. At kung may anak ka ay hindi ka pwedeng mag-retire nang maaga. Kailangan kang kumayod. Baligtad na baligtad kami, ako kasi workaholic,” pagdedetalye ng singer. (Reports from JCC)
- Latest