^

PSN Showbiz

Liza Lorena at Noel Trinidad, tanggap ang loveteam

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Liza Lorena at Noel Trinidad, tanggap ang loveteam
Noel Trinidad at Liza Lorena

Mukha namang maganda ang kalalabasan ng resulta ng Family Matters, Salve. Maganda ang mga review at talagang isang daring experiment dahil ang mga bida ay senior stars na sina Liza Lorena at Noel Trinidad.

Magandang makita na tanggap ng moviegoers ang senior stars na angkop sa istorya ng movie.

 Sa ganda ng reaction ng mga nanood ng trailer nito na matibay na basehan na basta bagay at maganda tinatanggap ng manono­od.

Sana nga mabalik ang sigla ng showbiz na tinamaan din ng pandemic.

Imagine na kokonti lang ang taping at walang nagso-shooting na mala­king pelikula.

Nabalik pa uli ang bold movies na napapanood na lang sa online.

Kaya nga big test ang MMFF this year.

Sana nga talaga ay bumalik sa dating sigla ang showbiz.

‘Yung masaya ang lahat at nagsusuportahan ang lahat.

Ipag-pray ko talaga ‘yan.

Barbie, tanggap na hindi pang-model

Ang bongga naman ni Barbie Forteza. Siya na ang ultimate modern dalagang Filipina sa kanyang latest magazine cover!

Ang ganda ng Maria Clara at Ibarra star sa cover ng isang magazine na suot ang mo­dern Filipiniana couture at accessories.

Ikinuwento naman ni Barbie ang kanyang self-love journey at kung paano niya tinanggap ang kanyang sarili sa kanyang Instagram post.

Tanggap nito na hindi siya pang-model dahil physically demanding ito.

Samantala, sa pamamagitan ng kanyang cover, proud ang aktres na ma-emphasize ang isang bagay na kanyang gustung-gustong gawin, ang pag-arte.

Kaya naman ginamit ni Barbie ang oportunidad para pasalamatan ang kanyang pamilya at mga tagahanga dahil matagal daw talaga niya itong hinintay. Bongga!

 

vuukle comment

NOEL TRINIDAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with