^

PSN Showbiz

Speechless sa pagkapanalo sa Awit Awards at CMMA… Angela Ken, ibinahagi ang mga pinagdaanan sa debut album

Pilipino Star Ngayon
Speechless sa pagkapanalo sa Awit Awards at CMMA… Angela Ken, ibinahagi ang mga pinagdaanan sa debut album
Angela Ken

MANILA, Philippines — Handog ng Star Music artist na si Angela Ken ang iba’t ibang kwento tungkol sa buhay teenager, pagkakaibigan, at self-love sa modernong panahon sa kanyang bagong labas na self-titled debut single.

Habang isinusulat niya ang mga kanta rito, nagbalik-tanaw ang rising singer-songwriter sa kanyang naging pagsisimula sa industriya.

“Kailangan mong balikan palagi kung saan ka nagsimula, kung ano ‘yung naging pundasyon bakit ka na nasa sitwasyon mo ngayon, at bakit ganito karami ang sumusuporta sayo,” saad ni Angela sa naganap na mediacon para sa kanyang album.

Nilalaman ng Angela Ken album ang dalawang bagong kanta na Buti Pa Noon at Payapa Lang at anim na singles na naunang inilabas kabilang ang Ako Naman Muna, Dagdag Na Alaala, It’s Okay Not To Be Okay, at Sila Pa Rin. Tampok din dito ang Akala Maling Akala na narinig sa teleseryeng 2 Good 2 Be True at Kontrol na bahagi naman ng soundtrack ng Click Like Share. 

Si ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo na siyang naka-diskubre kay Angela sa TikTok ang nagsilbing producer ng album.

Bukod sa paglunsad ng kanyang debut album, nag-uwi rin ng parangal kamakailan ang Lyric and Beat star para sa kantang Ako Naman Muna na nanalo ng Best Inspirational Song sa Awit Awards 2022 at para sa kantang It’s Okay Not To Be Okay na itinanghal bilang Best Secular Song sa naganap na 44th Catholic Mass Media Awards (CMMA).

 “Hindi ako nag-expect pero syempre nagdasal ako. Hindi ma-process ng utak ko na kanta ko ‘yung sinabi na nanalo. Cloud nine talaga ‘yung feeling ko at nakasama ko pa ‘yung nanay ko kaya hindi ko nakontrol ‘yung iyak ko. Sobrang speechless pa rin ako hanggang ngayon,” kwento ni Angela sa kanyang karanasan sa Awit Awards kung saan isa rin siya sa mga performer.

 

vuukle comment

ANGELA KEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with