Jovit Baldivino, maraming ginulat sa pagpanaw!
Malungkot na balita ang bumulaga kahapon ng umaga nang ilabas ng media sa Batangas, ang Brigada Batangas na pumanaw na raw ang kauna-unahang winner ng Pilipinas Got Talent na si Jovit Baldivino.
Sabi sa kanilang Facebook account: “Just in: Singer Jovit Baldovino, binawian na ng buhay.
“Kinumpirma sa Brigada Batangas ng pamunuan ng Jesus of Nazareth Hospital sa Batangas City na binawian ng buhay si Pilipinas Got Talent Season 1 grand winner Jovit Baldovino kaninang alas-4 ng umaga.
“Siya ay 29 anyos.
“Matatandaang isinugod sa ospital ang singer kamakailan matapos na sumama ang pakiramdam nito habang nasa isang party sa Batangas City.”
Magkakasunod din ang Facebook post ng asawa ni Jovit na si Camille Ann Miguel para sa singer, pero wala siyang kinukumpirmang pumanaw na ito.
Ang isa sa unang post niya kahapon ay ang kuha nilang dalawa na may caption na “Asawa ko” at maraming crying emoji.
Meron pa siyang kasunod na post na “Anong sama paPasko mo smen (crying emojis)”
Pero sunud-sunod ang mga nagpaparating ng mensahe ng pakikiramay, at ang dami na ring nag-post nang pagkalungkot at pakikiramay sa pagpanaw ni Jovit Baldivino.
Ang amin pong taus-pusong pakikiramay sa pamilyang naiwan ni Jovit Baldivino.
Meryll, magdidirek na
Ipinakilala ng Crown Artist Management ni Maja Salvador si Meryll Soriano bilang bagong ima-manage nila kasabay ang pag-celebrate ng kanyang 40th birthday.
Magtu-two years old na ang anak nina Meryll at Joem Bascon na si Guido na hanggang ngayon ay ipinapa-breastfeed pa pala niya.
Pero gusto na raw niyang balikan ang trabaho sa showbiz at tingin niya, malaki ang maitutulong ng kanyang bagong management group para matupad ang matagal niyang balak na magdirek ng isang pelikula.
Gusto raw niyang gumawa ng pelikulang tumatalakay sa post-partum depression ng isang babae. “I think more than 10 years ago, I really passionate about the story of post-partum depression, and I really wanted to make a film about it. Kaya lang, I think nobody really took me seriously back then. Kasi, siyempre ang daling tsikahan nun e.
“Gusto kong gumawa ng pelikula. Gusto kong magdirek. And you know, lumaki na ako sa industriyang ito. Laman ako ng set, laman ako ng… I think people would always consider it na you know, just one those ano tsikahan. And also I think, I’ve questioned myself also, if I really can.
“But this year, I finalized, having found a writer perfect for the film and the producers. Talagang sabi ko, I think it’s really time. Sabi ko talaga, by 40 I have to make, kahit isang pelikula. Just try it out kung para sa akin ba, o hindi para sa akin ‘di ba?
“But now, I’ve also decided na it’s time. Yes, we’re already doing research. Nakapag-start na rin magsulat nang konti,” pahayag ni Meryll.
Nag-surprise si Joem kay Meryll doon sa Crown Artist Management party at nagbigay ng mensahe para sa partner na nag-celebrate nga rin ng kanyang 40th birthday kahapon.
Sabi ni Joem para kay Meryll: “Siyempre, I’m very happy na nagkabalikan tayo. Nagkuwento bigla! Nagkaroon tayo ng prutas sa ating pagmamahal.
“Ang wish ko sa ‘yo more blessings, good health, and very thankful sa pag-aalaga mo kay Guido, and more blessings sa bago mong journey with Crown, Crown, Crown!
“Ipagpatuloy mo ang pagmamahal kay Guido, kay Eli at sa buong pamilya, at sa akin.”
- Latest