Jovit Baldivino pumanaw na sa edad na 29-anyos
MANILA, Philippines — Binawian na ng buhay ang "Pilipinas Got Talent" Season 1 grand winner at singer na si Jovit Baldivino matapos isugod sa ospital, ayon sa kanyang pamilya.
Ang balita ay kinumpirma ng kanyang kapatid na si Gil Baldivino sa ANC, Biyernes.
Kanina lang nang kumpirmahin sa Brigada News ng pamunuan ng Jesus of Nazareth Hospital sa Batangas City na namatay na ang singer bandang 4 a.m. kanina.
"Anong sama ng Pasko mo [sa amin]," wika ng kanyang misis na si Camille Ann Miguel sa kanyang Facebook post.
"Asawa ko[!}"
Una nang nag-react nang negatibo si Camille matapos kumalat ang balitang "nag-collapse" ang kanyang mister sa isang party.
Aniya, nawa'y tiyakin muna sana ng publiko kung tama ang kanilang pinapaskil. Mas kailangan daw nila ang dasal kaysa mga maling impormasyon.
Huling lumabas si Jovit sa telebisyon noong nakaraang Lunes matapos mag-guest sa game show na "Family Feud Philippines" sa GMA-7.
- Latest