^

PSN Showbiz

GMA nakakuha ng 18 recognitions sa CMMA

Pilipino Star Ngayon

Nakakuha ang GMA Network sa 44th Catholic Mass Media Awards (CMMA) ng 18 recognitions sa ginanap na awarding ceremonies nito kamakailan.

Ang Love Together, Hope Together: GMA Christmas Station ID ang ang nagkamit ng Best Station ID award.

Ang mga programa rin ng GMA Integrated News ay nakakuha ng mga nangungunang ‘plum’ para sa kani-kanilang Super Typhoon Odette coverage.

Sa ikalawang sunod na taon, nanalo ang Saksi ng Best News Program award.

Samantala, ang flagship newscast ng GMA at ang CMMA Best News Program Hall of Famer na 24 Oras ay nakakuha ng Best Special Event Coverage award din para sa outstanding coverage nito ng Super Typhoon Odette.

Nagdagdag ng panibagong karangalan ang Wish Ko Lang sa pag-uwi nito ng Best Drama Series/Program.

Habang ang GMA Synergy na Stronger Together, Buo ang Puso: NCAA Season 97 ay tinanghal bilang Best Children & Youth Program. Ang NCAA Season 97 ay minarkahan ang pinakahihintay na pagbabalik ng Men’s Basketball at Women’s Volleyball tournaments.

Nangibabaw din sila sa kategorya ng Radyo sa pamamagitan ng kanilang flagship AM at FM stations na Super Radyo DZBB 594 at Barangay LS 97.1 Forever! pag-uwi ng maraming parangal.

Ang GMA Synergy naman na Limitless: A Musical Trilogy – Breathe ni Julie Ann San Jose ay pinagkalooban ng Best Digital Advertisement – ??Public Service category.

Ilang Kapuso programs at projects din ang pinagkalooban ng Special Citations - The Jessica Soho Presidential Interviews and Year of the Superhero (year-end special).

Ang hit primetime series na First Lady ay nanalo ng Special Citation bilang Best Drama Series/Program.

Ganundin ang I Juander likewise earned a Special Citation as Best News Best Adult Educational / Cultural Program.

Ang GMA Regional TV Live! took home the Special Citation for Best Public Service TV Program

Habang Super Radyo DZBB 594’s Bahay at Buhay Kasama si Lala Roque and Sumasapuso kasama si Toni Aquino earned Special Citations as Best News Feature and Best Entertainment Program, respectively.

Speechless sa pagkapanalo niya sa Awit Awards at CMMA… Angela Ken, ibinahagi ang mga pinagdaanan sa debut album

Handog ng Star Music artist na si Angela Ken ang iba’t ibang kwento tungkol sa buhay teenager, pagkakaibigan, at self-love sa modernong panahon sa kanyang bagong labas na self-titled debut single.

Habang isinusulat niya ang mga kanta rito, nagbalik-tanaw ang rising singer-songwriter sa kanyang naging pagsisimula sa industriya.

“Kailangan mong balikan palagi kung saan ka nagsimula, kung ano yung naging pundasyon bakit ka na nasa sitwasyon mo ngayon, at bakit ganito karami ang sumusuporta sayo,” saad ni Angela sa naganap na mediacon para sa kanyang album.

Nilalaman ng “Angela Ken” album ang dalawang bagong kanta na “Buti Pa Noon” at “Payapa Lang” at anim na singles na naunang inilabas kabilang ang “Ako Naman Muna,” “Dagdag Na Alaala,” “It’s Okay Not To Be Okay,” at “Sila Pa Rin.” Tampok din dito ang “Akala Maling Akala” na narinig sa teleseryeng “2 Good 2 Be True” at “Kontrol” na bahagi naman ng soundtrack ng “Click Like Share.”

Si ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo na siyang naka-diskubre kay Angela sa TikTok ang nagsilbing producer ng album.

Bukod sa paglunsad ng kanyang debut album, nag-uwi rin ng parangal kamakailan ang “Lyric and Beat” star para sa kantang “Ako Naman Muna” na nanalo ng Best Inspirational Song sa Awit Awards 2022 at para sa kantang “It’s Okay Not To Be Okay” na itinanghal bilang Best Secular Song sa naganap na 44th Catholic Mass Media Awards (CMMA).

“Hindi ako nag-expect pero syempre nagdasal ako. Hindi ma-process ng utak ko na kanta ko yung sinabi na nanalo. Cloud nine talaga yung feeling ko at nakasama ko pa yung nanay ko kaya hindi ko nakontrol yung iyak ko. Sobrang speechless pa rin ako hanggang ngayon,” kwento ni Angela sa kanyang karanasan sa Awit Awards kung saan isa rin siya sa mga performer.

CMMA

GMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with