Kampo ni Vhong nagpasalamatsa mga nagdasal
As of presstime ay nakaka-text ko si Atty. Maggie Abraham-Garduque, ang isa sa legal counsel ni Vhong Navarro na siyang nag-aasikaso ng Petition for Bail na isinumite ng comedian/TV host.
Napaiyak daw sa sobrang tuwa ni Atty. Maggie dahil ito raw talaga ang ipinagdasal nila para naman nasa labas si Vhong habang nililitis ang kasong Rape na isinampa laban sa kanya ni Deniece Cornejo.
Text niya sa akin; “So far as of now I’m so elated. I was shouting and crying at the same time when I received the email from the court this morning.
“This is an early Christmas gift for us and for Vhong. Nagpapasalamat kami sa lahat ng nagdasal at naniwala.”
Nora ayaw patulan ang mga hanash ni Matet sa tuyo
Ayaw nang sagutin ni Nora Aunor ang mga pahayag ni Matet de Leon kaugnay sa isyung pagkumpetensya niya sa negosyong Gourmet tuyo at tinapa.
Sinikap naming hingan ng sagot si Ate Guy, pero minabuti na lang daw niyang manahimik.
Sabi ng ilang taong malapit sa original superstar, pagdating daw sa pamilya, ayaw daw niya talaga magsalita. Kaya hayaan na lang daw natin.
Sinabi naman ni Matet na matagal nang nakarating sa kanila itong pagkakaroon ng Ate Guy’s Gourmet tuyo at tinapa na tinapatan ang kanilang Casita Estrada, pero tahimik lang daw siya at nagsumbong muna siya sa kanyang Ate Lotlot at Kuya Ian de Leon.
Nainis lang siya nang sinabihan daw siya ng kapatid niyang si Kenneth na mag-resell na sila ng Ate Guy’s Gourmet Tuyo at Tinapa.
Nakakalungkot ang ganitong isyu sa kanilang pamilya.
Kaya nga siguro ayaw na lang magsalita pa ni Ate Guy.
Pero naintindihan din namin ang mga himutok ni Matet dahil kabuhayan nila ito.
American circus, may blowout sa mga mahihirap na bata
Dumating na kagabi ang grupo ng The Super American Circus na magpi-
perform dito sa Newport World Resorts mula December 21.
Ilang linggo ang performance nila na kung saan ibang-iba raw ito sa nagawa nilang acts nung nag-perform sila rito nung taong 2012.
Galing sa iba’t ibang bansa ang performers at challenge daw sa kanya ang pagpunta rito, dala ang mga performers at mga gamit nila para sa mga gagawin nilang acts.
“It can be a difficult challenge to bring the entire large production show to another country.
“There’s a lot of regulations that we have to follow. Do a lot of research so we have the time so that we know how to prepare to travel,” pahayag ng isa sa mga performer na si Elaine.
Nagulat ang mga taga-Newport na mura ang tickets dahil gusto nilang kakayanin ng karamihan para ma-enjoy ang kakaibang circus na ito ngayong Pasko.
Dalawang performances sila bawat araw ng 3 ng hapon at 8 ng gabi.
Ang tickets ay nagkakahalaga ng tig 5 thousand, 4 thousand, 2 thousand at 1 thousand pesos.
Maglalaan daw sila ng isang araw na libre para sa mga mahihirap na kabataan, at mga nasa charitable institutions.
- Latest