^

PSN Showbiz

Carla Abellana, Kris Bernal 'nangaroling' para mapakain mga inabandonang hayop

Philstar.com
Carla Abellana, Kris Bernal 'nangaroling' para mapakain mga inabandonang hayop
Ginawa nila ito sa opening ng isang bazaar sa World Trade Center bilang bahagi ng isang fundraiser, bagay na kanilang ipinasilip sa vlog ni Kris nitong Linggo.
Video grab mula sa YouTube channel ni Kris Bernal

MANILA, Philippines — Nangangalap ng pondo ang mga aktres na sina Carla Abellana at Kris Bernal sa pamamagitan ng pangangaroling, perang gagamitin daw nila para siguraduhing may makakain ang mga inabandonang aso't pusa.

Ginawa nila ito sa opening ng isang bazaar sa World Trade Center bilang bahagi ng isang fundraiser, bagay na kanilang ipinasilip sa vlog ni Kris nitong Linggo.

"Kailangan namin mag-raise ng funds para sa MBY Pet Rescue and Sanctuary, para pambili ng dog food, cat food," wika ni Bernal, isa ring pet owner, sa video.

"Hindi ko ‘yan hihindian basta para sa mga rescued na aso at pusa," dagdag naman ni Carla.

 

 

Ani Carla, plano niyang makalikom ng P77,777 bago matapos ang kanilang fundraiser "in a few more days."

Kilalang advocate ng animal welfare si Abellana, na dati nang nagsasalita patungkol sa responsableng pag-aalaga ng hayop at pagtindig laban sa animal cruelty.

"All for the love of dogs, nangaroling kami! I thought what better way to raise more awareness for my fundraiser and spread happiness is through this — mangaroling tayo!" dagdag ni Bernal.

"Marami tayong mapapasaya na rescued and abandoned animals of [MBY Pet Rescue and Sanctuary]. Thank you din po sa lahat ng pamasko. Ang babait po ninyo!" 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal)

— James Relativo

ANIMAL WELFARE

CARLA ABELLANA

CATS

CHRISTMAS

DOGS

KRIS BERNAL

PETS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with