^

PSN Showbiz

Tuesday Vargas, tinalak-talakan sa pang-iisnab sina KD at Alexa

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Tuesday Vargas, tinalak-talakan sa pang-iisnab sina KD at Alexa
Tuesday Vargas

Walang binanggit si Tuesday Vargas sa kanyang hanash na young stars na nandedma sa kanya sa isang corporate event.

Hinarang daw siya ng kasamahan nitong young stars nang batiin niya. Akala raw ay magpapa-picture ito.

Nagmamadali pa raw silang isalang dahil may iba pa raw na lakad.

Si Tuesday ang host sa event iyun.

Ayon sa aming pagtatanong, ang loveteam na KDLex na sina KD Estrada at Alexa Ilacad daw ang tinutukoy sa pag-i-emote ng comedienne/TV host.

Ang dami ka­sing na-curious kung sino itong ipinost ni Tuesday sa kanyang Twitter account, at ang daming nag-react.

Kahapon ay nag-tweet uli si Tuesday sa update na kung saan ay kumontak daw sa kanya ang road manager ng natu­rang loveteam para mag-sorry.

Sabi nito sa kanyang tweet; “Ok so now ako mag po post kasi kahapon nagpapahinga lang ako at may sakit ako dahil dire-diretso rin ang trabaho. Ang RM ng mga bagets ay tumawag sa akin para umamin at mag sorry ng kamalian nila.

“Una ay dine deny pa na merong isnaban na naganap, then when I relayed what happened… she said ‘ay opo pasensya na po kayo kasi nagmamadali po talaga kami.’

“Guys we are all missing the point here. I am not petty and it’s really ok if hindi nila ako nakita at hindi reciprocated ang pagbati. Madaming iba pang naganap that day at hindi ko na iisa isahin pa.

“Pero I have been through a lot as well in my 20 years in showbiz kaya ako nagpapangaral sa mga bata. Ako mismo received a lot of criticism on my behavior in the past and when people keep me in check, it is an opportunity to become better. Focus tayo sa bagay na makaka buti.”

 Hindi na bago ang ganitong isyu tungkol sa attitude ng ibang young stars.

Ibang-iba kasi sila sa mga veteran star na na-train sa tamang pakikipagkapwa tao lalo na sa mga co-actor at pati sa movie press.

Sana maturuan itong mga nasa huling hene­rasyon ng mga artista, at hindi na kailangang paabutin pa sa social media para matuto.

TVJ, dinumog ng Pinoy sa Dubai

Matagal ding hindi nagsama ang TVJ o sina Tito, Vic, and Joey sa isang live performance, at nangyari uli ito nang dinala sila ng Net 25 sa isang malaking show sa Dubai nung nakaraang buwan.

Bukod sa TVJ, ilan pa sa mga nag-perform doon at nakihalubilo sa mga kababayan natin sa Dubai ay sina Eric Quizon kasama ang ilang cast ng Quizon CT, Empoy Marquez, Pia Guanio, at  buong cast ng Kada Umaga, at special guest nila si Ruru Madrid.

Pero ang isa sa ikinatuwa nang husto ng mga taga-Net 25 ay napasaya nina Tito, Vic, and Joey ang mga kababayan natin sa Dubai, at nag-enjoy rin daw silang tatlo.

Sabi sa amin ng presidente ng Net 25 na si Ka Caesar Vallejos; “Napakainit sa pagtanggap ng mga Filipino sa Let’s Net Together Kabayan sa Dubai. We never expected huge reception. Initially, we were thinking because everyday we look at ticket sales….for the final week, tumodo na sila. Maybe, ganun siguro tayong mga Pilipino no? May pagka-last minute.”

Matagal din kasing hindi nagsama uli ang sikat na trio kaya nakikita raw nilang na-enjoy din nilang tatlo ang mag-perform sa ating mga kababayan.

“Naramdaman namin na na-miss sila ng mga kababayan natin. Sila mismo ay natutuwa din dahil sinisigaw ang pangalan nila.

“Wala silang kupas.They really are the TVJ that we know, at sila ang masasabing it’s a pride, it’s a great opportunity for Net 25 to be able to... you know to bring this TVJ trio in Dubai. Iyun lang, makasama mo sila sa isang lugar, napakalaking bagay na yun,” dagdag na pahayag ni Ka Caesar.

May Love, Bosleng, and Tali si Vic Sotto kasama sina Pauleen Luna at Talitha, at Oh No It’s B.O. si Joey de Leon.

Ang dating Senator Tito Sotto ay malapit na ring magkaroon ng sariling show. Isang public affairs show na pinamagatang Reality Check.

Mapapanood itong special ng Net 25 na Let’s Net Together Kabayan sa Dubai sa darating na Sabado, December 10 ng 9 ng gabi.

                   

TUESDAY VARGAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with