^

PSN Showbiz

Mga pelikula ni FPJ at ilang MMFF movies, libre ngayong kapaskuhan

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Mga pelikula ni FPJ at ilang MMFF movies, libre ngayong kapaskuhan
FPJ
STAR/ File

Magpapakilig ang Cinema One ng doble-doble ngayong Pasko sa mga pelikulang pinangungunahan ng mga kasaluku­yan at dating loveteams na nagmula sa Pinoy Big Brother, tulad ng James & Pat & Dave nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte na napanood na kahapon, Dec. 4 at ang Princess DayaReese na pinangungunahan nina Maymay Entrata at Edward Barber na mapapanood naman sa Disyembre 25.

Umiikot ang James & Pat & Dave sa kwento ni Pat (Loisa Andalio), isang assistant hostel manager na napilitan maging katrabaho ang apo ng kanyang amo na si James (Ronnie Alonte) matapos itong ipadala upang maging empleyado ng hostel. Dagdag problema pa ng iminungkahi ni James na magpanggap siya bilang jowa ni Pat upang makalayo sa ex nito na si Dave (Donny Pangilinan). Sa likod ng kanilang away-bati na relasyon, mamumulaklak ang kilig sa isang relasyong nagsimula sa kasunduan.

Hatid naman ng Princess DayaReese ang istorya ng conwoman na si Reese (Maymay Entrata) na nagpapanggap maging si Princess Ulap ng kingdom Oro kapalit ang ginto. Sa kanyang pagpapanggap, makikilala ni Reese si Caleb (Edward Barber), isang reporter na bumubuo ng dokumentaryo tungkol sa kaharian. Saksihan kung papaano mamamayani ang pag-ibig sa pagitan ng peke at katotohanan.

Ang Paano Na Kaya nina Kim Chiu at Gerald Anderson (Disyembre 11) at  Sakaling Maging Tayo nina Elisse Joson at McCoy de Leon (Disyembre 18) ang kukumpleto sa Romance Central line-up ng Cinema One na eere tuwing Linggo ng 5 p.m. ngayong buwan.

Dala rin ng Cinema One ang pagbabalik ng mga classic na pelikula ni Fernando Poe Jr. ngayong Disyembre sa FPJ: Hari ng Pinoy Cinema block. Damhin ang intense na aksyon ng Durugin Si Totoy Bato (Dis. 4), Kapag Puno Na Ang Salop (Dis. 11), Isang Bala Ka Lang Part 2 (Dis. 18), at Ang Panday (Dis. 25).

At sa pagdiriwang ng nalalapit na Metro Manila Film Festival (MMFF), ipapalabas ng Cinema One ang ilan sa mga sikat na MMFF movies na tumatak sa publiko sa Monday Drama, 9 p.m. Kabilang rito ang Blue Moon nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo (Dis. 5), Mano Po nina Maricel Soriano at Richard Gomez (Dis. 12), One More Try nina Angel Locsin at Dingdong Dantes (Dis. 19), at Tanging Yaman ni Gloria Romero (Dis. 26).

Available ang Cinema One, sa Cignal ch. 45, SKYcable ch. 56, at iba pang local cable service providers.    

CINEMA ONE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with