Denim, hindi nawawala sa style!
Denim textile never goes out of style. Lahat ata ng closet may denim, as in essential part na ito of our everyday lives.
Kaya naman talagang tuloy ang pag-asenso kumbaga ng denim business.
Kamakailan ay nagbukas ang one-stop denim boutique, ang DenimHub sa Glorietta Mall.
Mula nang magbukas ang kanilang unang tindahan noong 2018 sa Starmall Alabang, ang makabagong denim brand na ito ay patuloy na gumagawa ng kanyang multiculturally-diverse na hanay ng mga damit at accessories na mas malapit sa lahat ng mga mahilig sa fashion at maging sa mga naghahanap ng mga pangunahing disenyo ng damit para sa kanilang pang-araw-araw na kaswal na kasuotan. Kaya positibo sila sa pagbubukas ng ika-14 na tindahan nila na matatagpuan sa Glorietta 1 noong Nob. 25, 2022 na pinangunahan ng mga may-ari ng DenimHub na sina Melinda at Eddie Sia kasama ang TV personalities na sina Amy Perez at Anthony Taberna at kanyang asawa, si Rossel Taberna.
Present din sa event ang retail at bank partners na sina, Mark Sablan, Assistant VP ng Ayala Land Inc., Francis Santiago, VP for Business Development ng DenimHub, Raymond Co ng BPI, Chris Reyes ng MetroBank at Jose Osmeña, Jr mula sa China Bank na lahat nanguna sa ribbon cutting.
Unti-unti na ulit nakakabawi ang ang clothing industry sa pagbabalik ng face-to-face activities mula sa pandemya. Nagbibilihan na rin kasi ang karamihan ng mga clothing and accessories kaya perfect ang lugar na puntahan ng mga naghahanap ng latest fashion.
Bago matapos ang taon, inaasahan nilang magbubukas pa sila ng branches sa iba’t ibang lugar as part of the brand’s commitment in providing the latest and fad merchandise that suits every person’s fashion and style – watch out for these upcoming stores in Gapan, SM Center Las Piñas, Robinsons Roxas, and other malls nationwide.
- Latest