Marc Cubales collection, pam-finale sa Thailand Fashion Week
Pam-finale ang Marc Cubales SS23 Homme & Femme Collection sa gaganaping Thailand Fashion Week ngayong Nob. 30, Miyerkules, 6:30 p.m. sa Varavela, Bangkok.
Sampung obra ang handog ni Marc Cubales para sa Spring-Summer ‘23, katuwang ang beloved niyang si Joyce Penas Pilarsky (JPP). Mystique: A Collection ang fashion line na irarampa ng Cosmo Manila 2022 models.
“High fashion couture ito. The designs are elegant and outlandish, highlighting glamour and dark mystery,” pahayag ng international model turned producer na si Marc.
Si Marc ang producer ng bikini competition na Cosmo Manila 2022 noong Nob. 5 sa Skydome ng SM North EDSA.
Ang multi-awarded jewelry and fashion designer na si Joyce Penas Pilarsky naman ay isa sa mga hurado ng nasabing paligsahan.
- Latest