^

PSN Showbiz

Eddie, hindi masyadong lumalabas!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Eddie, hindi masyadong lumalabas!
Annabelle at Eddie
STAR/ File

Alam mo, Ateng Salve, ang sarap lang kapag nakakasama kong mag-bonding ang mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

Si Tito Eddie kasi, hindi na rin masyadong lumalabas, kaya parang napaka-’precious’ kapag nakakasama ko siya.

Kaya nga last Saturday, kesehodang nasa Alabang ako at tumawag si Bisaya na nasa Power Plant Mall sila sa Rockwell, sumunod talaga ako.

Nang magkakasama na nga kami, ang sarap lang ng chikahan.

Binanggit ko kay Tito Eddie na gusto ni Ruffa Gutierrez na i-guest sila ni Bisaya sa morning talk show nito sa AllTV (new Channel 2), ang M.O.Ms (Mhies on a Mission) (na magpa-pilot telecast na ngayong 11:00 a.m.), pero ayaw silang pagsabayin ng actress-TV host dahil sa daldal daw ng nito ay hindi na makakapagsalita ang former matinee idol ng Sampaguita Pictures.

“Kasi si Annabelle, kapag ako ang tinatanong, siya pa rin ang sumasagot. Ganoon siya. Pero ngayon naman, nag-iba na. Hinahayaan na niya akong sumagot kapag ako ang tinatanong, kaya puwede naman kaming sabay na kung magge-guest sa show nina Ruffa,” sagot ni Tito Eddie.

Actually, happy si Tito Eddie dahil sobrang busy ngayon ni Ruffa sa iba’t ibang mga proyekto at may business din ito.

Sabi nga ni Tito Eddie, “Excited akong mapanood ang mga project ni Ruffa. Manonood ako ng M.O.Ms (Mhies on a Mission), mukhang maganda ang pagsasama nila nina Mariel (Rodriguez-Padilla) at Ciara (Sotto). Nakikita ko ‘yung kapag kino-commercial, parang ang saya. I will watch.”

Sa first week of December ay pupunta ng Korea si Tito Eddie kasama si Bisaya at ang ibang miyembro ng kanilang pamilya para sa exhibition boxing match doon ni Manny Pacquiao vs. martial artist DK Yoo on Dec. 11.

Actually, ang tagal na ring hindi bumiyahe abroad ni Tito Eddie kaya sobrang excited siya lalo na at susuportahan nila si Manny sa exhibition boxing match na ‘yon.

Bongga!

Ang saya rin ni Sarah Lahbati dahil naka-bon­ding nila ni Richard Gutier­rez ang tatay niyang si Abdel Lahbati sa London, United Kingdom.

Pagkatapos nga ng kanilang Omega watch event doon, pumunta ng London ang kanyang tatay from Geneva, Switzerland (kung saan based si Tito Abdel).

Sey ni Sarah, “Super saya to see my Dad. He made time for me and Chard. Nagpunta tala­ga siya rito sa London. At least, naka-bonding namin my Dad.”

Sad lang daw dahil hanggang today lang sila magkakasama dahil mamaya na ang flight nila ni Richard pabalik ng bansa (bukas ang dating nila ng ‘Pinas).

Actually, maraming pagkakataon din na pumupunta ng ‘Pinas si Tito Abdel para dalawin si Sarah at ang kanyang pamilya, pati ang misis niyang si Esther Lahbati.

May mga pagkakataon din na pumupunta sina Richard, Sarah, Zion, Kai at Tita Esther sa Geneva para dalawin naman si Tito Abdel.

Pero ngayon naman, malabong makapag-Geneva muna ang pamilya ni Richard dahil nga nagte-taping ang aktor sa Cebu para sa The Iron Heart drama-action series ng ABS-CBN.

‘Yun na!

EDDIE GUTIERREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with