Gerald, dumugo pati utak sa pag-aaral ng Danish
Nag-uumpisa nang mag-promote si Gerald Santos ng Metro Manila Film Festival entry na Mamasapano: Now It Can Be Told, dahil nakatakda na pala siyang umalis pa-Denmark para sa Miss Saigon.
Halos tatlong taon ding nag-Miss Saigon si Gerald sa Westend sa United Kingdom, pero sa pagbabalik niya ngayon ay kakaiba ang gagawin niya dahil sa lenggwaheng Danish ang dialogue at kakantahin niya.
Kaya kinakarir niya ang pag-eensayo ng kantang Danish para handang-handa na siya pagdating niya ng Denmark.
Naikuwento ito sa amin ni Gerald nang mag-guest siya sa programa namin sa DZRH nung Martes para i-promote ang MMFF movie nilang Mamasapano: Now It Can Be Told.
“Nagbigay na po sila sa akin ng Danish teacher. I’m currently learning Danish, isang buwan na po nag-aaral ng Danish. So, hindi lang ilong ko ang dumudugo, pati utak ko dumudugo rin,” natatawa niyang pahayag.
“Ang maganda din po sa lessons ko sa Danish, they’re also teaching me kung ano ‘yung mismong translation niya in English. So, talagang… kapag binitiwan ko ‘yung word, hindi lang siya word sa akin, alam ko kung ibig sabihin ng sinasabi ko kahit in Danish,” dagdag niyang pahayag.
Kakaibang experience raw ito sa kanya, dahil ngayon lang daw siya makapag-perform bilang si Thuy sa Miss Saigon na ibang lenggwahe ang kakantahin.
Gagawin daw kasi sa Copenhagen, Denmark kaya kailangang daw nilang mag-adjust doon.
Six months daw silang magpi-perform doon ng Miss Saigon.
“Maybe that’s one of the reasons kasi nasa sentro talaga kami ng Denmark sa Copenhagen, and kumbaga, siyempre gusto nila mag-cater talaga yung audience dun sa city center. Kaya in Danish ang gagawin this time.
“’Yun din ang nag-compel sa akin to accept the role again e. Kasi may challenge uli. So, I’ll be on my toes again na everyday kailangan ‘yung focus, ‘yung concentration ko nandun.
“Hindi ako puwedeng magkamali. Baka mamaya mapa-English ako, o kung ano pa ang masabi ko. So, grabe po uli ‘yung challenge,” saad ni Gerald.
Nanghinayang nga siya dahil hindi raw siya makakasama sa parada ng MMFF dahil mid of December ay aalis na siya pa-Denmark para magsimula na silang mag-rehearse.
Nagpasalamat din si Gerald kay Atty. Ferdie Topacio dahil isinama siya sa pelikulang ito.
Talagang nahirapan daw sila nang bonggang-bongga nung sinu-shoot nila ito.
Parang naranasan na rin daw niya ang pinagdaanan ng mga taga-SAF 44 na nagbuwis ng kanilang buhay sa Mamasapano.
Mariel, naseksihan kay robin nang dalhin sa hospital ang kanilang anak
Puring-puri ni Mariel Rodriguez-Padilla ang asawa niyang si Sen. Robinhood Padilla, na sa kabila raw ng pagiging abala nito sa kanyang trabaho sa Senado, pagdating sa pamilya lalo na sa kanilang anak, talagang hands-on daw ito sa pag-aasikaso.
Ikinuwento ni Mariel sa nakaraang presscon ng bagong morning show nila sa AllTV na M.O.Ms o Mhies on a Mission kung gaano raw kapraning ang asawa niya kapag may sakit ang kanilang anak.
Nangyari raw ito kamakailan lang nang muling nilagnat ang anak nilang si Isabella.
Magmula nang mag-face to face na sa school ang kanilang anak, nagiging sakitin daw si Isabella.
Halos buwan-buwan nilalagnat, kaya nitong nilagnat daw uli si Isabella, nataranta na raw si Sen. Robin, at siya na raw mismo nagdala sa hospital para ma-check.
“Si Robin, nagpa-panic na. ‘Yung anak ko yata tinamaan sa baga. Humina na ‘yung baga. Nag-panic siya. Kahapon, we dropped everything nung umaga. Siya mismo dinala niya sa doktor ‘yung anak niya, hawak-hawak niya. Pina-x-ray niya, of course perfect po ‘yung heart and ‘yung chest as I expected. Pero ibinigay ko na ‘yun sa kanya, paro meron siyang peace of mind. After nun nagpunta siya sa plenary, and wala siyang iniisip.
“Alam niya na okay ‘yung anak niya. But I found it so nice na no matter how busy he is, kung alam niya na kaya niya, idya-juggle niya ‘yung oras niya para sa mga anak namin. Pero at the same time hindi niya nakakalimutan ‘yung tungkulin niya.
“Pero I just found it na parang ang galing niya. Sabi ko nga sa kanya na for me, I found it very sexy… na ‘yun talaga ang mga naganap mie! Sabi ko talaga. Na I found it very sexy ‘yung ginawa mong ‘yun yesterday. It makes me love you more ganyan ganyan,” parang kinikilig siyang kinuwento sa presscon ng M.O.Ms na magsisimula na sa AllTV sa darating na Lunes, Nov. 28 ng 11 ng umaga.
Ang saya nina Mariel kasama sina Ruffa Gutierrez at Ciara Sotto na hosts nitong bagong show.
Magkakaibang nanay sila na may kanya-kanyang hanash at pasabog para sa mga manonood.
- Latest