'Aarte sa K-drama?': Ex-'Goin' Bulilit' star pumirma na sa Korean agency
MANILA, Philippines — Ima-manage na ng South Korean entertainment agency ang aktres na si Kristel Fulgar, na matatandaang nakilala noon sa children's comedy show na "Goin' Bulilit."
Ikinuwento niya ito sa Youtube vlog na inilabas nitong nakalipas na Biyernes habang nakikipagkita sa chief executive officer ng ahensya na si Jay Han.
"So I signed with Five Stones Entertainment because for me to have a working visa here in Korea," wika ni Kristel, na dati nang sinabing pumunta siya ng Korea para mag-aral ng kanilang wika sa isang paaralan.
"Since they [my boss Yohan Kim and Mr. Han] are friends and they do business together, they said they would provide me an E6 Visa, which is a working visa here in Korea."
Dahil sa ima-manage na siya ng naturang ahensya, binanggit ni Kristel na ineengganyo siya ngayon ni Yohan na subukan ang show business sa South Korea, na siyang sikat sa mga Korean dramas na patok na patok sa Netflix.
Sa kabila nito, aminado siyang hindi pa siya kumpiyansa sa galing niyang magsalita ng kanilang wika.
"Huwag muna magi-expect na maga-artista ako dito, ganyan. Kasi nga hindi pa ako ganu'n ka-confident mag-Korean. Later na, let's see. Kung ano 'yung matutunan ko sa school baka magkakaroon ako ng confidence," dagdag niya.
"Alam mo 'yung showbiz sa Philippines is so tough now, how much more here? I am not expecting anything here. I just want to enjoy! When I'm starting to think about it, parang I feel pressured."
"Let's see kung anong mangyayari sa life ko dito sa Korea. Again huwag kayo magi-expect, after ko mag-study ng Korean language, malay mo naman."
Ani Yohan, malaki raw ang tiwala ni Mr. Han sa potensyal ni Kristel lalo na't pumasa siya sa "Korean beauty standards." Mahalaga daw kasi sa Korean showbiz na maliit ang mukha.
Setyembre lang nang makabalik sa naturang East Asian country ang aktres, na Hulyo pa dapat magtutungo doon. Kaso nabulilyaso ito nang tamaan siya ng COVID-19.
Mayo taong 2021 lang nang ibahagi ni Kristel na nagawa niyang i-direct ang isang online Filipino-Korean series na pinamagatang "Love From Home."
- Latest