^

PSN Showbiz

'Muntik ako maging single': Sharon Cuneta kwinento 6-buwang LQ sa mister

James Relativo - Pilipino Star Ngayon
'Muntik ako maging single': Sharon Cuneta kwinento 6-buwang LQ sa mister
Kuha nina Sharon Cuneta-Pangilinan (kaliwa) at dating Sen. Francis "Kiko" Pangilinan (kanan)
Mula sa Instagram post ni Sharon Cuneta

MANILA, Philippines — Bati na uli ang mag-asawang sina "Megastar" Sharon Cuneta at dating Sen. Francis "Kiko" Pangilinan matapos ang kalahating taong alitan — bagay na muntik na raw mauwi sa hiwalayan.

Ito ang ibinahagi ni Ate Shawi nitong weekend sa isang serye ng Instagram posts.

"Bati na kami today after pagkahaba habang LQ mula pa nung nasa U.S. kami ni Nana @reginevalcasid !!! Kaya sa lahat ng Korea vlogs ko sa YouTube di kami halos magtabi!" sabi niya, Sabado.

"Kala ko single na ako uli next year. Ayan buti bati na."

Sweet na sweet ang dalawa habang kapansin-pansing nilalambing ni Kiko ang asawang singer-actress.

Matatandaang laging kasama si Sharon ni Kiko hanggang sa matapos ang pangangampanya ng huli sa pagkabise presidente noong Mayo. Mahigit anim na buwan na simula noong matapos ang 2022 national elections.

"[In this] 6-month long L.Q... we thought would [it would] lead to a separation," dagdag pa niya sa hiwalay na IG post.

Abril lang nang sabihin ng aktres na "hihiwalayan" niya si Kiko kung manalo siya't hindi tuparin ang campaign promises. Sa kabila nito, natalo si Pangilinan ni ngayo'y Bise Presidente Sara Duterte-Carpio.

Ibinulgar itong lahat ilang araw lang matapos uling i-anunsyo ng aktres na gusto na niya talagang magretiro, matapos ang mahabang karera sa showbiz simula pa noong 1978.

vuukle comment

FRANCIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with