Chair Lala at Johnny Revilla, naging bff sa MTRCB!
Ah kahit napabalita noong nagkaroon ng confusion sa appointment ni Johnny Revilla as chairperson ng Movie and Television Review ang Classification Board, natuloy naman pala itong umupong Board Member sa pamumuno ni Chair Lala Sotto.
Isa ito sa mga celebrity na Board Member ng MTRCB sa kasalukuyang administrayon.
“Isa sa super-sipag, super-asset!,” banggit ni Chair Lala nang makausap ito ng ilang miyembro ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) days ago.
At nang tanungin si Ms. Lala kung ano ba ang nangyari, sinabi niyang : “I’m not privy to what had happened then but we’re very close.
“We have a great working relationship and he’s such an asset to the board. I love BM Johnny so much!,” aniya pa.
Umamin din siyang hindi niya inasahang uupo siya sa MTRCB. “No, this is a pleasant surprise.”
Matagal naging councilor ng QC si Chair Lala kaya naman hindi siya nahirapang mag-adjust nang umupo sa MTRCB.
- Latest