^

PSN Showbiz

Pagkatapos sa Korea, Bela sa Switzerland naman magso-shoot ng pelikula

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Mukhang mas nag-focus na ngayon si Bela Padilla sa pagsusulat ng script at pagdidirek ng pelikula.

Tahimik lang siya ngayon pero nakatapos na pala siya ng pelikulang ginawa nila sa South Korea.

Kinuha niya roon si Lorna Tolentino para sa isang special participation.

Halos isang linggo rin si Lorna sa Seoul, South Korea para mag-shooting at natuwa siya sa istilo ni Bela.

Kaya kung puwede lang sa schedule at okay sa kanya ang role, gusto raw niyang makatrabaho uli  ang actress/director.

Ang bongga nga ni Bela dahil  may mga producer na nagtitiwala sa kanya, at sunud-sunod ang binibigay na project na siya ang nagsulat at nagdirek.

Maganda naman kasi ang kinalabasan ng ginawa niyang 366 na pinagbidahan nila ni Zanjoe Marudo.

Itong ginawa niya sa Korea ay co-producer pa siya ang Viva at sa isang Korean film production.

May kasunod siyang gagawin na sa Switzerland naman iso-shoot na pagbibidahan ni Jericho Rosales.

Maaring kasali na naman doon si Lorna para sa isang special role dahil gusto nilang magkatrabaho sa isa’t isa.

Okay naman kay Lorna ang mag-movie muna ngayon.

Kailangan daw muna niyang mag-focus sa kanyang kalusugan bago siya sumalang sa isang drama series na tuluy-tuloy ang taping.

Sen. Bong, nag-ayuda ng pambili ng panty!

Naikot na i Sen. Bong Revilla ang lahat na sinalanta ng bagyong Paeng.

Kamakailan lang ay tumungo siya sa Zamboanga para i-check ang mga mga sinira ng dumaang bagyo para magawan ng paraan ang repair ng infrastructure.

Si Sen. Bong ang Chairperson ng Senate Committee on Public Works kaya kailangan niyang matingnan ang mga napinsala, para maayos na rin ang pagpapa-repair.

Kasabay nito ay namigay rin siya ng relief goods.

Kagagaling lang din niya ng Antique at Aklan para mamigay ng ayuda na bahagi ng kanilang Bayanihan Relief operations, at nag-site inspection na rin siya roon.

“Halos isang buwang wala tayong pahinga dahil sa walang tigil nating pagresponde at pamamahagi ng tulong at ayuda sa mga sunud-sunod na kalamidad sa bansa,” kuwento ni Sen. Bong

Sa totoo lang, nung nananalasa pa lang ang bagyong Paeng, nag-ikot na si Sen. Bong sa ilang bayan ng Cavite. Kaagad na namigay sila ng relief goods sa tulong ng DSWD, at ito ang unang pinuntahan ni Pres. Bongbong Marcos.

Nagpi-Facebook live siya kapag pumupunta siya sa isang lugar.

Kinumusta rin niya ang ilang grupo ng mga kababaihan, at isang matandang babae ang sumagot na sinira ng baha ang mga kagamitan nila at basa raw ang mga damit nilang lahat.

May isang babaeng humirit na kahit panty ay wala na raw sila.

Nabigla si Sen. Bong na napatawa, kaya nangako siyang pagbalik niya ay isasama ang panty sa relief goods na ipamimigay.

Pero bago siya umalis ay nag-iwan na lang daw siya ng pambili nila ng panty.

Ang hirap nga naman kung binaha na silang lahat, wala pang suot na panty.

Pero seryoso si Sen. Bong sa sinabi niya sa aming sobrang nahabag daw siya sa kalagayan ng mga kababayan nating sobrang naapektuhan ng bagyong Paeng.

BELLA

LORNA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with