^

PSN Showbiz

Paolo, hindi kinabahan nang idemanda ng SAF!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Paolo, hindi kinabahan nang idemanda ng SAF!
Paolo Gumabao

Hindi kinabahan si Paolo Gumabao nang kasuhan sila ng Special Action Force (SAF). Bukod kay Paolo, kinasuhan din ng SAF si Rico Barrera, at iba pang involved sa pelikulang Mamasapano: Now It Can Be Told.

Inamin ni Paolo, na may blessing silang gamitin ang uniform ng mga sundalo kaya confident siya / sila na hindi sila makukulong.

“Wala akong naramdaman (kaba). Kasi alam ko naman na wala namang kapupuntahan ang kasong ‘yun. Kasi meron po kaming approval ng SAF na gamitin ang mga insignia (illegally).

“Ang hinahabol sa akin, ‘yung TikTok na ginawa ko.

“Wala akong ginawa na magbibigay ng shame sa SAF 44.

“NagTikTok lang. I did not make fun of them, so alam ko rin na hindi rin naman aakyat sa korte ‘yun. Saka ang alam ko naman na ang producer namin ay napakahusay na abogado,” na ang nire-refer ni Paolo ay si Atty. Ferdie Topacio ng Borracho Films.

Isang beses lang siyang humarap sa korte at tinanung-tanong lang siya tungkol doon. “Kino-question lang nila ako, bakit ko ginamit ‘yung uniform, nag-explain ako na ginamit namin ‘yun sa shooting ng pelikula.

“Ok naman po. Once lang ako pumunta sa fiscal,” paliwanag pa ni Paolo nang makausap namin.

Ginampanan ni Paolo ang character ni Supt. Raymond Train, commander ng PNP team, Seaborn 13, na naatasan na tugisin ang mga teroristang sina Marwan at Usman sa Maguindanao noong Jan. 25, 2015.

“It’s an action movie and even as a young boy, dream ko talagang gumawa ng action film,” sabi niya pa nang mainterview namin.

Kaya naman daw thankful siya kay Atty. Topacio at Direk Lester Dimaranan na natupad ang pangarap niya.

 “We shot sa bundok at mainit sa set, nakabilad kami sa araw maghapon, then inilubog kami sa ilog, mahirap. But I enjoyed it all.”  

Anyway, sa sexy movie nag-umpisa si Paolo, ilan dito ang Lockdown and Sisid.

Samantala, sinagot ni Atty. Topacio ang isyung may posibilidad na ma-disqualify ang Mamasapano dahil nagkaroon sila ng premiere night nito sa Baguio recently.

Ayon sa kontrobersyal na abogado, rough copy ‘yun at iilan lang ang nanono­od. Wala rin daw ticket selling ‘yun kaya walang ground para i-disqualify ang pelikula na kasama sa eight official entries ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na mag-uumpisang mapanood sa mga sinehan sa Dec. 25.

 

 

PAOLO GUMABAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with