‘Wala nang atrasan’
Dialysis day ko na naman kahapon. Kaloka na ‘pag may nakarinig na twice a week akong nagda-dialysis para bang shocked na shocked at hopeless case na ako.
Kung minsan tuloy ay ako na ang natatakot dahil baka nga ‘pag nag-dialysis ka ibig sabihin delikado na ang lagay mo.
Pero dahil 76 na ako sa birthday ko sa May, ang laki ng bonus na buhay pa rin ako hanggang ngayon, actively working, at very relevant pa rin.
Magiging happy ako ‘pag pinadalhan ng flowers ni Honey Rose, ang very close kay Papa Bongbong dahil nag-check siya sa condition ko at kung ano ang puwede nilang itulong. How sweet of PBBM, ‘di ba.
Pero as of now, feeling ko talaga ako ang pinaka-spoiled na may sakit sa lahat dahil para bang buong showbiz nakibalita sa kalagayan ko.
So thankful and grateful.
Alam ko na for life na ang dialysis ko, tanggap ko na. At alam ko rin na hindi ito ibibigay sa akin kung ‘di ko kaya, kaya go for the win, wala nang atrasan, bonggahan na lang. Enjoy life, iyan na lang ang gagawin ko.
Christopher, endorser ng kape
Naalala n’yo ba ang pangalang Toto Mangudadatu, iyong governor sa Mindanao na laging nasa blind items dahil sa pagkaka-link sa celebrities? Very charming siya in person at isa nang very successful businessman.
Siya pala ang may-ari ang Hercules adult coffee. Kinuha niya si Christopher de Leon para maging endorser ng kape. Very nice siyang kausap at biro nga ni Christopher de Leon, marami raw ang may crush kay Gov. Toto.
Kaya nga sure na magiging number 1 ang Hercules coffee. Ibang-iba plus Christopher de Leon pa ang endorser.
- Latest