^

PSN Showbiz

Pia, sinamahan ni Jeremy na tumakbo sa New York kahit ‘di kasali sa marathon

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Pia, sinamahan ni Jeremy na tumakbo sa New York kahit ‘di kasali sa marathon
Pia Wurztbach

Talagang tumutok ang kaibigan naming nasa New York sa katatapos lang na New York City Marathon na sinalihan ni former Miss Universe Pia Wurztbach.

Sinabi ni Pia na matagal na niyang wish na makasali sa marathon at finally natupad din.

Ang nakakatuwa, sobrang suportado si Pia ng fiancé niyang si Jeremy Jauncey.

Ipinost nga niya sa kanyang IG account; “I’m so happy that I get to share this moment with Jeremy, since he was the first person to know that this was a secret dream of mine. I kept it to myself for so long because I was embarrassed or maybe insecure about my athletic capabilities. Imagine saying, ‘I want to run a marathon’ when you don’t even run 10 minutes on a treadmill. Nahiya ako. But I wanted it! I had the vision in my head I just needed to make it into reality…and now here we are.”

Nangyari nga ito kahapon at ang daming mga Pinoy fans na sumuporta kay Pia sa kanyang pagtakbo.

Halos lahat na kanto ay may mga Pinoy na nagtsi-cheer sa dating Miss Universe.     

Pero ang nakakatuwa raw ayon sa aming kaibigang tumutok  sa marathon, nakakatuwa raw ang suporta ni Jeremy.

Hindi siya sumali sa marathon, pero parang nakasali na rin dahil talagang hindi raw niya nilubayan si Pia. Sinusundan niya ito sa kanyang pagtakbo.

Kasama raw ni Jeremy na sumusunod kay Pia at ang kanyang social media assistant na kinukunan ang kanyang pagtakbo.

Jomari, traditional wedding ang pinaplano!

Maganda ang resulta nang pagbabalik ni Jomari Yllana sa racing.

Second runner-up siya sa Rally Sprint RS Open Category sa Paeng Nodalo Memorial Rally na ginanap sa Subic Bay Freeport nitong nakaraang weekend.

Lumaban si Jomari sa Rally Sprint RS Open Class category kasama ang 35 pang competitors, at dala niya ang turbo diesel hatch CRDI.

Nagpasalamat ang actor/politician sa kanyang navigator na si Jeremie Lo.

Bumalik ang passion niya sa racing at target niya sanang  makasali sa ibang bansa gaya ng Amerika, United Kingdom, at Spain.

Inspired din si Jomari sa pagsali  dahil nandun ang suporta ni Abby Viduya at anak niyang si Andre na hilig din ang racing.

Napu-post nga ni Abby kung gaano siya ka-proud sa nobyo.

Sabi nga ni Jomari, alam niyang si Abby na talaga ang babae para sa kanya, dahil ang dami na nilang pinagdaanan, ang ending ay sila pa rin.

Kaya naghihintay na lang daw siya ng tamang oras para mag-propose kay Abby. Ang gusto niya ay traditional pa rin daw na kasalan na sisimulan muna sa proposal, mamanhikan, at pagplano ng kasal.

“Siyempre, traditional ako e. Ano naman kami. Ang kaibahan lang, pareho naming alam na pinaplano na naming dalawa,” pakli ni Jomari nang nakatsikahan namin sa DZRH nung nakaraang linggo.

Hindi pa raw niya masabi kung kailan na ang pinaplanong kasal, pero malamang daw ay bago  matapos ang kanyang termino bilang konsehal ng Parañaque.

Richard, itinodo ang action!

Halatang na-miss talaga ni Richard Gutierrez ang mag-aksyon gaya nang ginagawa niya dati sa ilang action-drama series na pinagbidahan  niya sa GMA 7.

Ang lakas nang dating niya sa bagong action-drama niya sa Kapamilya network na prinodyus ng Star Creative.

Nakapag-aksyon naman siya sa Ang Probinsyano, pero ibang-iba raw itong aksyon na ginawa niya sa The Iron Heart.

“Coming from Ang Probinsyano, and then nung ginagawa namin ‘tong Iron Heart, we really wanted to shift away from Probinsyano, especially ang character ko malayo naman talaga sa Ang Probinsyano, parang villain ako dun.

“Yung Probinsyano kasi parang classic approach siya na action, and most of their action scenes are gunfights.

“Hindi ko masyado napakita rin yung capabilities ko sa Ang Probinsyano. So, we wanted to showcase everything here sa The Iron Heart.

“We wanted more hand to hand combat, more modern approach in terms of cinematography.”

Sa November 14 na magsisimula ang The Iron Heart na may special participation si Maja Salvador.

 

PIA WURZTBACH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with