Danny Javier, nai-cremate na!
Inihatid na sa huling hantungan kahapon si Danny Javier.
Tahimik lang ang ilang araw na burol sa kanya sa Heritage Memorial Park, at hindi na ito in-open sa publiko.
Nung Sabado ng gabi ay binigyan siya ng necrological service na kung saan nag-alay ang pamilya, kaibigan at mga kasamahan sa trabaho, lalo ang kasama niya sa APO Hiking Society na sina Jim Paredes at Boboy Garrovillo.
Nagbigay pugay ang female co-hosts ng APO sa ‘Sang Linggo nAPO Sila na sina Agot Isidro, Bing Loyzaga, Melissa de Leon at Amy Perez.
Malumanay ang kapatid niyang si Dyords Javier na nagbigay ng eulogy.
Aniya: “No sadness, because we had the best, most relaxed 3 years before his death, we had a chance to experience fully – Jimmy and I – we were present with Manong.”
Nakikita naman kay Danny na simple lang siya, kaya sabi nga ni Dyords Javier, ayaw daw ng namayapa niyang kapatid na pinupuri siya.
“Ayaw ng Manong ko na pinupuri siya. Mas ayaw na ayaw niya na may naaapi at naagrabyado, ‘yun ang tinutulungan niya. Manong was not generous na kung may 100 pesos, magbibigay siya ng 10 or 20 pesos. He is charitable. Siya ‘yung may 100 pesos, ibibigay niyang lahat ‘yun pantulong sa nangangailangan.
“I dont want you to leave with heavy hearts. Let us leave with the joy that Danny left us with,” dagdag na pahayag ni Dyords.
Nagbigay rin ng eulogy sina Boboy at Jim na malaki ang ibinahagi sa buhay ni Danny.
Kahapon din ay nagbigay ng tribute ang programang All-Out Sundays ng GMA 7.
Nag-alay ng awitin sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Derrick Monasterio, at mga produkto ng The Clash na sina Jessica Villarubin, Jeremiah Tiangco, Mariane Osabel, Garret Bolden, Thea Astley, Sheemee Buenaobra, Anthony Rosaldo, Hannah Prescillas at Vilmark Viray.
Sen. Bong, araw-araw namimigay ng ayuda
Nagpapasalamat si Sen. Bong Revilla kay President Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte dahil sa hindi nila nakalimutang dalawin ang lalawigan ng Cavite para kumustahin ang mga nasalanta ng bagyong Paeng.
Pagkatapos pumunta ni PBBM nung nakaraang linggo, kahapon naman ay katuwang ni Sen. Bong si VP Sara para mamahagi ng tulong sa mga taga-Cavite.
Una nilang tinungo ang Brgy. Bacao, General Trias para mamahagi ng family food packs at relief goods para sa mga sobrang naapektuhan ng malakas na bagyo.
Pagkatapos nito ay tumuloy sila sa Imus, Cavite na talagang dinagsa ng mga tao dahil marami sa kanila roon ang nawalan ng tahanan, kaya pansamantala muna silang tumira sa kanilang kamag-anak at ang iba ay sa evacuation center.
Nangako naman si VP Sara na ang Cavite ang isa sa hinding-hindi niya pababayaan.
Sabi naman ni Sen. Bong, nandiyan lang sila laging sumusuporta kapag dumaan sa ganitong pagsubok ang mga taga-Cavite.
“Gaya ng palagi kong sinasabi, huwag tayong panghihinaan ng loob dahil sa hindi ibibigay ng Panginoon ang pagsubok na tulad nito kung hindi natin kaya,” pahayag ni Revilla nang magbigay ito ng maikling pananalita sa harap ng mga naluluhang residente.
Ang dami nang lugar sa Cavite na nalubog na sa tubig baha na kaagad niyang pinuntahan.
Halos araw-araw ay pumupunta siya kasama si Cong. Lani Mercado, at mga anak nilang nasa Congress din na sina Cong. Jolo Revilla at Cong. Bryan Revilla para magbigay ng ayuda sa tulong din ng DSWD.
- Latest