Maraming pasabog... Richard, mala-James bond sa Iron Heart!
Matapos kumalat sa social media ang pictorial ng teleseryeng The Iron Heart, si James Bond ang naalala ng fans sa bida ritong si Richard Gutirrez.
Sa Nov. 14 na nga ang pilot telecast ng pinakabagong Primetime Bida series ng ABS-CBN na mapapanood sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Jeepney TV, iWantTFC, TFC (The Filipino Channel), ABS-CBN Entertainment YouTube channel at iba pang platforms ng Kapamilya Network.
Nauna nang inilabas ang 30-seconder teaser nito at bongga agad ang reaksiyon ng fans dahil ang ganda rin ng dating kung saan nilagyan ng character ni Richard ng bomba ang helicopter at pinasabog ‘yon.
Sa next teaser naman na 45-seconder, mas maaaksyon ang eksena ni Richard na ipinakita na may pasabog.
Mala-pelikula nga ang dating ng mga eksenang nabanggit, kaya ang reaksiyon ng mga nakapanood, “Ang galing talagang gumawa ng ABS-CBN.”
Sa dalawang teaser na ipinalabas sa iba’t ibang platforms, bidang-bida si Richard at ramdam na kakaiba ang importansya niya sa Kapamilya Network.
Kung sabagay makikita naman din napaghandaan ito ng actor.
Namumutok ang kanyang muscles lalo na dun sa mga maaksyon na eksena.
Sa unang eksena ay naka-motorcycle at shades siya kaya talagang si James Bond ang dating niya.
Sa Cebu sila nag-shooting ng buong serye ayon sa Star Creative group na siyang namamahala sa produksiyon.
Virgin locations daw ‘yun kaya masasabing hindi pa kumbaga familiar sa mga manonood.
Dito rin sa The Iron Heart muling mapapanood si Maja Salvador with Sue Ramirez.
Supportive naman ang pamilya Gutierrez, lalo na sina tita Annabelle Rama, Ruffa at Raymond, Sarah Lahbati at iba pa, sa drama-action series na ito ni Richard.
- Latest