Kuya Kim, naging saksi sa Itaewon tragedy!
Nasa Itaewon pala talaga si Kim Atienza nang maganap ang stampede doon.
Andun sana siya para sa Dapat Alam Mo! first anniversary celebration kung saan may live coverage nga sana siya sa Halloween parade na isang tradisyon na sa South Korea.
Pero nauwi sa trahedya ang kanyang pinuntahan kaya’t kumpleto ang coverage niya sa 24 Oras.
Mula sa umpisa ng party na nagdagsaan ang mga kabataang Korean at ibang foreigner hanggang sa namalayan na lang niyang nagdadatingan na ang maraming ambulance at mga fire truck.
Pinasyalan din niya ang ground zero hanggang sa national mourning period.
Kaya naman nag-breaking siya sa mga naganap doon.
Kasama sana ito sa inihandang surprise ng mga host ng Dapat Alam mo na sina Emil Sumangil, Patricia Tumulak, at Kim Atienza na nagsimula na noong Oct. 31.
Grateful naman ang mga host sa success ng show. First show ito ni Kuya Kim bilang Kapuso kaya naman daw itinuturing niya itong ‘blessing.’
Si Patricia naman, marami raw natutunan sa programa.
Isang karangalan daw kay Emil na maging bahagi ng Dapat Alam Mo! at nagpapasalamat siya sa lahat ng viewers na araw-araw na nakatutok sa kanila.
Samantala, itinanggi ng kampo ng Korean actor na si Yoo Ah-in na residente pala sa Itaewon na isa ito sa naging attraction kaya’t nagdagsaan ang marami sa nasabing lugar noong mangyarari ang stampede / crush.
Isa nga ang pangalan ng K-drama actor sa napanood sa Chicago Typewritter, Seoul Vibe, Hellbound, at iba pa sa nabanggit kasama ang iba pang Korean influencers.
Pero mabilis na itinanggi ng kanyang agency sa isang statement na wala ito sa Korea nang maganap ang trahedya.
Nasa abroad daw ito.
“Yoo Ah-in left on October 29 and is currently staying abroad. He has nothing to do with the Itaewon disaster,” ayon sa UAA talent management agency.
Hindi pa rin alam hanggang sa kasalukuyan kung ano nga ang dahilan at nagkaroon ng stampede sa lugar.
Familiar ang nasabing area sa Filipino fans na mahilig sa K-drama dahil may series na Itaewon Class ang pamagat starring Park Seo-joon, Kim Da-mi, Yoo Jae-myung, and Kwon Nara noong 2020.
- Latest