Danny Javier ng Apo Hiking Society, sumakabilang buhay na!
Pumanaw ang isa sa miyembro ng haligi ng Original Pilipino Music, APO (Apolinario) Hiking Society, na si Danny Javier kahapon.
Wala pang gaanong detalye ang pagpanaw ni Mr. Javier habang sinusulat namin ito pero ilang araw pa lang ang nakakalipas nang banggitin ni Boboy Garovillo na hindi na ulit mabubuo ang trio ng APO dahil sa sakit nito.
Taong 2011 pa lang daw ay muntik nang mamatay si Mr. Javier dahil sa magkakasunod na sakit nito tulad pneumonia, kidney failure, liver collapse, hepatitis A, emphysema, congestive heart failure and sepsis. “Si Jim (Paredes) is in Australia, but a lot of times, he’s also here in Manila. Still doing his writing songs and all. Danny is not well. He’s medyo may kahinaan, may karamdaman, so he is recovering. Pero ‘yung reunion, mukhang malabo ‘yun because hindi na possible,” banggit ni Mr. Garovillo sa media conference ng Unica Hija.
Kasama sa mga pinasikat nilang kanta ang Batang-Bata Ka Pa, Panalangin, Awit ng Barkada, Yakap sa Dilim, Ewan, Kaibigan, Pumapatak Ang Ulan, Mahirap Magmahal ng Syota ng Iba, Nakapagtataka, Blue Jeans, Anna, When I Met You at ang Christmas songs nila na Tuluy Na Tuloy pa rin ang Pasko, 12 Days of Pinoy Krismas, Paskong Walang Pera, Pasko na Sinta Ko, at maraming-marami pang iba.
RIP Sir Danny. Salamat sa magagandang musika.
- Latest