^

PSN Showbiz

Halloween sa Snow World Manila, slight lang ang katatakutan

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Halloween sa Snow World Manila, slight lang ang katatakutan

Bagama’t maraming nagbiyahe para sa para sa Undas, marami rin naman ang hindi na nakisabay.

Namasyal na lang sila para mag-trick or treat.

Sa mall kahapon, ang daming tao na may kasamang mga bata.

Ang iba naman ay sinalubong ang Halloween sa Snow World Manila na hindi ginawang nakakatakot ang Undas dahil mga bata nga ang karamihan sa pumapasok dito, bukod nga sa balitang magbubukas naman ng horror attraction ang Star City, para sa mga gusto ng katatakutan.

Ang Halloween sa Snow World ay katuwaan din kumbaga. May makikita kayong mga bampira, ice zombies, mga mangkukulam at ang legendary snow ghost na si Yukki Onna. Sa mga kuwento, si Yukki Onna ay namatay sa isang snow avalanche sa Japan, at magmula noon nagpapakita siya sa mga naglalakad sa snow lalo na sa gabi.

At habang ine-enjoy ninyo ang Halloween sa Snow World, andun pa rin ang 30 metrong ice slide, mas maikli kaysa sa dati.

Pinalawak naman nila ang snow area kung saan kayo makakapaglaro sa tunay na snow, at maranasan ang totoong snow fall.

At kung giniginaw na, maaari kayong uminom ng mainit na kape o tsokolate sa mismong Snow World Café na nasa loob ng nasabing attraction.

Ang Snow World Manila, na siyang kaisa-isang Snow Attraction sa buong Luzon ay bukas mula Huwebes hanggang Linggo, mula alas dose ng tanghali hanggang alas-otso ng gabi.

SNOW WORLD MANILA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with