‘Envy can kill and make you lose friends’
Always remember, ang inggit ay maaaring makamatay at mawala ang iyong mga kaibigan, Salve.
Inggit ang pinakapangit sa lahat ng ugali ng isang tao. Ito ang nagiging dahilan para hindi ka umasenso. Iyan siguro ang isang bagay na ipagmamalaki ko, never akong nakaramdam ng inggit. Pangarap o dream na marating ang maganda nilang kinalalagyan, pero never ako nakaramdam ng inggit sa kanila.
Alam nina Douglas Quijano at Bibsy Carballo na itinuring ko na mga BFF na idol ko sila at never na kinainggitan.
Isa pang ugali na hindi ko ginawa ay ang manulot o mang-agaw ng talents. Never akong nagkaroon ng kontrata sa talents ko, honor system ang namamagitan sa amin, anytime you can go ‘pag gusto mo. Never akong humawak ng talent na hindi ko mahal, dahil gusto ko meron akong emotional attachment sa kanila.
Kaya kong sumalo ng bala para sa sinumang mahal ko, never akong nanlaglag ng tao. Madalas ngang sinasalo ko ang problema ng iba kaya kadalasan ako ang nalalagay sa alanganin. At kahit mapasama ako, never kong ituturo ang kasama ko para makalusot sa problema.
At palagay ko iyon din ang reason kung bakit kahit ano ang kagagahan ko, tinatanggap pa rin ako at mahal ng mga kasama ko. Alam nila, they feel safe with me. Kahit madaldal ako never kong sasabihin ang isang sikreto ‘pag alam ko na makakasama ito.
Basta maligaya ako sa tagumpay ng iba, papangarapin ko na sana maging ganun din ang kapalaran ko pero never akong papasukin ng inggit. Ang inggit kasi, puwede na para maabot mo ang isang bagay gumawa ka ng paraan para maagaw ito sa may hawak, pero ‘pag malinis ang konsensiya mo, gagawa ka lang ng paraan na maabot iyon sa sarili mong sikap at tiyaga.
Nakakamatay ang inggit dahil unti-unti nitong lalasunin ang utak mo, mag-iisip ka ng masama, at ang ending ikaw rin ang mabibigo.
Kaya huwag na huwag ninyong gagawin ito.
Mommy Pinty, suwerte kina Toni at Alex
Ewan ko kung dahil very close si Jun Lalin kay Mommy Pinty ng Gonzaga sisters na sina Toni at Alex kaya nagpadala ng love envelope. Noon pa ay close na close na si Jun kay Mommy Pinty kaya nga may running joke kami tungkol sa promise nito na patitikimin ako ng ginisang bagoong.
Ang talagang proud ako ay nang sabihin ni Mommy Pinty Gonzaga na binabasa niya ang Instagram posts at column ko sa Pilipino Star NGAYON at Pang Masa. Kasi nga ‘di ba iyon naman ang pangarap ng bawat writer, ang nababasa ang sinusulat niya. Natuwa si Mommy Pinty sa mga puri ko kay Toni, na totoo namang amazing ang words of wisdom na narinig namin sa binigay naming presscon for ALLTV.
Talagang hahanga ka sa outlook nito sa buhay, at sa wisdom niya sa pagharap sa kanyang propesyon. Tunay na napakasuwerte ng mother nila na si Mommy Pinty.
Salamat, Mommy Pinty, more than the love envelope, mas touching sa akin ang pagbabasa mo ng IG posts at columns ko, forever grateful.
- Latest