^

PSN Showbiz

Sam, excited nang magkaanak kay Catriona

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Sam, excited nang magkaanak kay Catriona
Rhea at Sam
STAR/ File

“I’m not getting any younger also, siyempre. I’m turning 39 next year,” sagot ni Sam Milby sa tanong kung nagpaplano na ba siyang mag-asawa.

So si Catriona Gray na ba talaga ang ‘the one’ para sa kanya “I do believe so. I do.”

Actually, aminado rin ang aktor na excited na siyang magkaroon ng anak dahil may mga anak na ang kaibigan niya.

“I do, I’m excited,” aniya sa pagkakaroon ng anak.

Although ayaw niyang sumagot in behalf of Catriona kung handa na rin ba ito dahil mas bata sa kanya ang karelasyon.

Pero gusto muna niyang ayusin ang lahat, as in super stable siya sakaling pakasal, para suportahan ang kanyang magiging pamilya.

Anyway, si Sam ang bagong Beautéderm Health Boosters ambassador. “I am honored and grateful now that I am finally a part of Beautéderm’s amazing family,” sabi ni Sam kahapon. “Through the years, I learned the importance of maintaining a healthy lifestyle because of the challenging lifestyle that I have as an actor which could affect the wellbeing of both my mind and body. Kailangan kong siguraduhin na I’m always in the best physical condition through regular exercise and the right diet coupled with the right amount of sleep. Perfect na partner para sa akin ang Beautéderm Health Boosters Effervescent Tablets para masiguro ko na lagi akong healthy at fully charged all the time.”

Sinasalubong naman ng Beautéderm President and CEO na si Rhea Anicoche-Tan si Sam with open arms dahil para sa kanya, and actor ang best choice upang kumatawan sa pinaka-bagong mga produkto sa ilalim ng Beautéderm Health Boosters.  “The line-up of Beautéderm’s A-list brand ambassadors could never be complete without Sam. I have always admired his body of work at happy na ma-discover na ang saya at ang gaan pala niyang katrabaho,” ayon kay Rhea. “Dapat gayahin ang lifestyle ni Sam dahil sa kanyang disiplina at professionalism. He lives a balanced and healthy life which makes him the perfect artist to represent Beautéderm Health Boosters Effervescent Tablets.”

Ang kasabihang health is wealth ay hindi isang cliché at makikita ito sa buhay at karera ni Sam. At ngayong tayo ay nasa isang panahon na napakahalaga ng kalusugan para malagpasan natin ang mga hamon ng buhay, kailangan nating gayahin ang choice ni Sam na palakasin ang kanyang katawan sa pamamagitan ng regular na boost ng natural vitality at gawin narting bahagi ang Beautéderm Health Boosters Effervescent Tablets ng ating daily essentials.

vuukle comment

CATRIONA

SAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with