^

PSN Showbiz

Donny, umaakyat na ng ligaw kay Belle?!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Donny, umaakyat na ng ligaw kay Belle?!
Donny
STAR/ File

Alam mo, Salve, feel good ang presscon noong Friday afternoon ng An Inconvenient Love ng Star Cinema.

Tinanong ko nga ang DonBelle love team nina Donny Pangilinan at Belle Mariano kung hindi ba sila nagpe-pressure na maging sila na talaga dahil ‘yon ang ine-expect ng fans sa kanila?

In fairness, wala raw pressure at masaya sila sa kanilang closeness.

Well, hindi rin naman talaga dapat madaliin ang bagay na ‘yon dahil mukhang understan­ding naman ang kanilang fans.

Anyway, nabanggit ni Belle na mas gusto pa rin niya ‘yung traditional way ng panliligaw na dinadalaw siya sa bahay at si Donny ay ganundin, ‘yung nagbibigay ng flowers, chocolates and letters.

Tinanong ko tuloy si Donny kung dumadalaw ba siya sa bahay nila Belle at parang nahihiya pa siya nang sabihing yes, dahil nangungumusta siya sa nanay ng kanyang ka-love team.

Well, sa sinabing ‘yon ni Donny kahit hindi nga niya diretsahang inamin na kaya siya dumadalaw sa bahay nila Belle ay dahil nililigawan na niya ang dalaga.

Siyanga pala, sa presscon din na ‘yon ay ipinakita na ang full trailer ng An Inconvenient Love at noon din lang nila napanood ‘yon at naiyak si Belle dahil sobra siyang nagandahan.

In fairness, maganda nga ang trailer at nagustuhan din namin ‘yon. Ipalalalabas na ‘yon on Nov. 23!

Bukod dito sa atin sa ‘Pinas, ipalalabas din daw ang An Inconvenient Love sa iba’t ibang bansa dahil 30th anniversary presen­tation nga ‘yon ng Star Cinema, huh!

Bongga!

Elijah, nagpakita ng puwet!

Kung ang DonBelle ay wala pang ina­amin, sina Elijah Canlas at Miles Ocam­po naman, ayaw paawat sa pagpapakita ng pagmamahal sa isa’t isa.

Bukod nga sa kanyang pamilya, sumuporta rin kay Elijah sa private screening noong Friday night ng LiveScream movie niya si Miles.

Alam mo ba, Ateng Salve, na 11:00 p.m. na kami umalis sa Wing Zone sa Araneta Coliseum kung saan ginanap ang after preview late night dinner, pero nagpaiwan pa sina Elijah at Miles, huh!

Anyway, kasabay kong umalis ang producer-director ng LiveScream na si Perci Intalan at happy rin siya dahil sa magandang feedback sa kanyang pelikula lalo na sa mga nanood na press.

Ang galing ng pagkakagawa ni Direk Perci sa LiveScream at obvious na panonoorin at magugustuhan ‘yon ng fans.

Ako nga, hindi ko type ang ganoong genre ng pelikula, pero tinapos ko talaga at hindi siya ‘yung tipong mapapagod ka sa panonood at gusto mong matapos na.

At kahit thriller nga nito, aba, nagawang mag-inject ni Direk Perci ng nakakatawang eksena kung saan ay nagbardagulan sa pagpapalitan ng mga salita sina Elijah at Phoebe Walker. Naaliw kami sa eksenang ‘yon!

So abangan na sa Vivamax ang LiveScream lalo na at nagpakita ng behind si Elijah at karamihan sa mga eksena ay half naked siya, ‘noh?!

‘Yun na!

vuukle comment

BELLE

DONNY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with