^

PSN Showbiz

KZ, ama ang turing kay Martin

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
KZ, ama ang turing kay Martin
Martin, KZ at TJ

Isa si Martin Nievera sa mga pinakamalapit na kaibigan ni KZ Tandingan sa show business. Matatandaang nagsimula ang singer sa The X-Factor Philippines kung saan naman mentor ang Concert King. “Ten years na po pero hindi pa rin nagbago. They never made me feel, that we are not of the family,” bungad ni KZ.

Si Martin din ang tumayong ama para kay KZ noong kasal nila ni TJ Monterde mahigit dalawang taon na ang nakalilipas. Tubong-Davao ang singer kung saan nakabase ang buong pamilya nito. Hindi nakarating sa kasal nina KZ at TJ ang kanya-kanyang pamilya dahil kasagsagsan ng COVID-19 pandemic noon. “Sobra po kaming thankful kasi we got married noong noong August, in-accept na namin na we’re going to be married without our parents, not even our siblings. Tinanggap ko na maglalakad ako sa aisle mag-isa. Kasi hindi sila makalipad,” emosyonal na pahayag ng singer.

Nahiya pa raw na tanungin ni KZ si Martin kung possible bang maihatid siya sa altar noong araw ng kasal. “Sabi ng daddy ko, ‘Dahil wala ako diyan para ihatid ka, bakit ‘di mo i-ask si Sir Martin? So I asked him. Hindi ko nga siya kinausap na tinawagan kasi nahihiya ako. So parang minessage ko lang siya. ‘Dad,’ tapos in-explain ko sa kanya. Pero nandoon na ako sa baka hindi. Kasi alam ko they were very strict with the rules. Kasi no’ng time na ‘yon, Santino (anak ni Martin) was here. So ayaw nila masyadong lumalabas. Siyempre ‘yung exposure in the height of pandemic po talaga ‘yan. Tapos ang bilis niyang sumagot. Sinabi niya, ‘It would be my honor. I’d love to.’ Noong nakita ko na siya nang bumukas ang pinto na dinaanan ko no’ng kasal, I felt like I had my family there. Naramdaman ko ang spirit ng family ko no’ng hinawakan niya ako. Inihatid niya ako sa aisle,” kwento ni KZ.

Cignal Entertainment, maghahatid ng saya at papremyo

Mamayang hapon ay gaganapin sa Starmall EDSA ang Cignal Entertainment Showbiz Caravan. Siguradong mapasasaya ng Cignal Entertainment ang mga manonood na patuloy na sumusuporta sa iba’t ibang programa ng TV5.

Magsisimula ng 1:00 p.m. ang event na may iba’t ibang palaro at gimik katulad ng Reelstars booth kung saan ay makagagawa ng Reels ang ating mga Kapatid at Ka-Cignal upang magkaroon ng pagkakataon na bumida sa isang Reelserye.

Pagsapit ng 2:00 p.m. ay magaganap naman ang walang humpay na kantawanan, sayawan at kamustahan kasama sina Rey Valera, Morissette, Elijah Canlas, Paulo Angeles, Jairus Aquino, Pooh, Queenay, Zendee, Mari Mar Tua, Singtoker Ari G, Singtoker Daniel, Singtoker Gab, Yanyan de Jesus, Kat Kat Manimtim, Kedevon Colim, Billy Villeta at ang P-pop girl group na BLVCK ACE.

Maaaring makakuha ng giveaways mula sa Cignal Entertainment at CignalPlay ang mga masuwerteng manonood sa naturang event. Sa Nov. 19 naman ang susunod na Cignal Entertainment Showbiz Caravan na gaganapin sa Vista Mall-Taguig. Ito ang all-in-one mall show para sa lahat na handog ng Cignal Entertainment at mga programang Sing Galing, Sing Galing Kids, Suntok Sa Buwan, Oh My Korona at Kalye Kweens.

(Reports from JCC)

vuukle comment

KZ TANDINGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with