Local singers, nawawalan na rin ng ganang gumawa ng bagong kanta?!
Takbuhan ng ilang local singers at performers ang Amerika at ibang bansa upang doon mag-concert.
Mababasa sa social media ang post ng singers at performers na may concert sa US. Kadalasan ay may ka-collab silang kapwa singers, huh!
Siyempre, mas sabik sa kanila ang Pinoy sa ibang bansa na makita silang mag-perform. May mga masuwerteng Pinoy rin ang maganda ang buhay sa ibang bansa.
Eh kapag sa bansa sila nag-show, hindi sigurado kung papanoorin pa sila ng mga Pinoy. Halos karamihan sa tao rito ay hooked na sa Korean artists kahit meet and greet lang ang ginagawa ng K-artists dito.
Wala na rin kasing masyadong hit songs ang mga local performer. Mga banda na lang yata ang may hit songs.
So kesa matengga ang singers natin sa bansa, doon na lang sila sa abroad mag-show dahil kahit hindi kumita ang show eh nababayaran din sila, huh!
Isa pa ‘yang problema na dapat tulungan ng namamahala sa music industry!
Manay Lolit, nabawasan ang stress sa mga ‘plastic’
As if naman, apektado si Manay Lolit Solis sa ginawang expulsion sa kanya ng grupong PAMI.
Tuloy pa rin ang buhay ni Manay. Present pa rin ang mga alaga niyang mabenta pa rin sa trabaho.
At least, nabawasan na ang stress ni Manay sa mga plastic na tao. Normal pa rin ang takbo ng buhay niya kahit nagda-dialysis siya.
Mabuti sana kung may nagawang maganda sa industriya ang samahang ito, no? Saka, legal pa ba ang existence nila? Hindi nga natin alam kung meron silang Certificate of Incorporation mula sa Securities and Exchange Commission (SEC), huh! Kung meron, valid ba ito at nagsa-submit ba sila ng reportorial requirements ng SEC? May legal basis ba ang expulsion ni Manay?
Tawanan lang kayo ni Manay Lolit kapag nasiyasat niya ang legality ng inyong samahan! Ha! Ha! Ha!
- Latest