^

PSN Showbiz

Richard, binitbit si Sarah at mga anak sa lock-in

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Richard, binitbit si Sarah at mga anak sa lock-in

Balik-taping ngayon sa Cebu ang cast, staff and crew ng ABS-CBN new series na Iron Heart na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez.

Bale 11 days lang ang taping break nila.

Si Richard, bumalik na ng Cebu noon pang Friday. Ang sweet nga dahil isinama niya ang misis na si Sarah Lahbati at mga anak na sina Zion at Kai.

Pero kagabi naman, bumalik na ng Maynila ang mag-iina ni Richard dahil kailangang tumutok na siya sa kanilang taping.

Kuwento ni Sarah, sanay na sina Zion at Kai na nagla-lock-in taping ang kanilang “Dada” (tatay). Ang maganda raw, sobrang na-enjoy nila ‘yung taping break ni Richard.

Enjoy sila sa new hotel na pinag-stay-an nila sa Cebu at nagawa nga nilang makapag-beach na pare-pareho nilang hilig.

Medyo mas matagal daw ang location taping nina Richard ngayon sa Cebu kaya pati ang nanay niyang si Annabelle Rama ay hindi na umaasang makaka-attend ang anak sa 70th birthday celebration nito.

Sabi nga ni Bisaya, priority ang work at ok lang daw kung hindi talaga makakarating si Richard sa important event niya.

Ice, wish magka-part 2 ang anniv concert

Nangangamoy part two ang Becoming Ice 35th anniversary concert ni Ice Seguerra.

Ang ganda ng feedback sa concert na ‘yon ng singer-actor na una nating nakilala bilang ang child star na si Aiza Seguerra na fourth runner-up sa Little Miss Philippines ng longest running noontime show na Eat Bulaga (nasa Channel 9 pa sila noon).

Sobrang proud nga kay Ice ang misis niyang si Liza Diño-Seguerra.

Sabi nga ni Liza, the best concert daw na napanood niya ‘yon. ‘Yon din ang kuwento ng kaibigan nating si Ogie Narvaez Rodriguez, kaya nanghihinayang talaga ako, Ateng Salve, dahil hindi nga tayo nakapanood ng 35th anniversary event na ‘yon ni Ice.

Sana nga magkaroon ng part two ang sold-out concert ni Ice para mas marami pa ang mag-enjoy.

Sabi nga ni Ogie, may mga parte raw ng concert ni Ice ang naiyak siya. Nakaka-touch daw.

Bongga!

Alam mo ba, Ateng Salve, noong nag-i-start pa lang ako sa showbiz, isa ang batang si Aiza sa mga una kong nainterbyu?

Yes, 35 years old na rin ako sa showbiz at natatandaan ko pa na from Broadcast City, naging “studio” ng Eat Bulaga ang Celebrity Sports Plaza.

Doon namin pinupuntahan si Aiza at after ng show ay isinasama kami ni Ms. Malou Choa-Fagar sa TAPE, Inc. office sa Xavierville Avenue, Quezon City para makipag­chikahan kay Aiza.

Ang unang interbyu nga namin kay Aiza ay sa office ni Tita Malou at sa ibaba pa ng table ng TAPE, Inc. executive (retired na siya ngayon) nakaupo ang noon ay tinaguriang child wonder.

Natatandaan ko pa nga ang dialogue noon ni Aiza, ayaw na raw niyang maging madre paglaki niya dahil ang gusto na niya ay maging astronaut. Of course, hindi siya naging madre, lalong hindi naging astronaut dahil nagpatuloy ang pamamayagpag niya sa showbiz bilang Aiza Seguerra and later on, becoming Ice!

Congratulations sa very successful anniversary concert mo, Ice!

‘Yun na!

DADA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with