Sen. Koko, nakiusap na ‘wag idawit sa ex-beauty queen na naaresto!
“Jewel Lobaton has no right to use the surname Pimentel,” bahagi ng post ni Sen. Koko Pimentel nang lumabas ang balitang naaresto ang dating beauty queen sa kasong estafa.
“Calling on all media practitioners to desist from mentioning me or the Pimentel name in connection with the news about the arrest of Jewel Lobaton. The marriage has long been dissolved/declared null and void both by the court and by the church. Meaning, Jewel Lobaton has no right to use the surname Pimentel,” ang buong post ng senador.
Nauna ngang lumabas sa report ng GMA na base sa pahayag ni Batangas PPO director Police Colonel Pedro Soliba na “Nagpapakilala siyang producer, talent agency...nagsasabi rin siya po na may party-list but she’s actually not represented by any. Ginagamit nga niya ang apelyido ng dati niyang kinakasamang politician para maniwala itong mga would-be victims niya sa kanyang pangs-scam.”
Diumano’y may ilang pulitiko na nadamay sa ginawa ng dating beauty queen bukod sa ex-husband niya.
Happily married si Sen. Koko kay Ms. Kathryna Yu-Pimentel na nag-birthday a week ago. “Happy birthday to my greatest love and perfect life partner, Kath, the mother of my children. You are my most wonderful blessing. And you are God’s gift to my children too. Won’t know where to go without you by my side. Can’t live without you. I wish you a long healthy and productive life, with us by your side. I love you Babe!,” post ng senador sa misis na isa sa owner ng Singaporean restaurant na Tiong Bahru na nagbukas kamakailan ang 5th branch sa Capitol Common. Nag-umpisa sila ng nasabing negosyo noong pandemic na pumatok sa delivery kaya nagtuluy-tuloy sila.
- Latest