^

PSN Showbiz

Josh ni Kris, sweet sa pinoy fans

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Josh ni Kris, sweet sa pinoy fans
Josh
STAR/ File

Um-attend kami ng A Night of Soul Music concert ng The Stylistics sa Saban Theater sa Beverly Hills, California noong Friday night at nanood din ang panganay na anak ni Kris Aquino na si Josh.

Kilalang malapit si Josh sa producer ng show na si Nathaly Rosalie, kaya pumunta siya roon.

In fairness, ang mga Pinoy na nanood din ng concert na ‘yon ay panay ang pa-picture kay Josh.

At siyempre, as always, ang sweet ni Josh sa mga nagpapa-picture sa kanya.

Bongga!

Grupo ni Gigi De Lana, na-stress sa working visa

As you read this, nagaganap na ang kick-off show ng Domination US concert tour ni Gigi de Lana at ng The Gigi Vibes Band sa The Alex Theater sa Glendale, California kung saan special guest si Carlo Aquino.

Pero may nagkuwento sa akin na medyo stressful daw ang pagpunta sa Los Angeles, California ng grupo.

Dapat ay noong Thursday pa ang alis nila papuntang LA, pero hindi raw kaagad lumabas ang working visa nila, kaya Friday morning na sila nakaalis ng Pilipinas.

May isang kasama sa nasabing tour ang nagkumpirma ngang Thursday last week pa sila nainterbyu para nga sa mga working visa nila, pero late na nga lumabas ‘yun  kaya na-reschedule ang flight nila pa-LA.

Tsk... tsk... tsk...

May isang concert tour din sa Amerika na late ang pag-a-apply ng working visa ng grupo, kaya ang ending, ‘yun dapat na kick-off show nila ay hindi natuloy at nabawasan nga sila ng show.

Dahil sa ganoong pangyayari, mara­ming mga promoter ngayon ng shows sa Amerika ang gustong mag-apply na kaagad ng working visa para sa mga artista’t singers sa kanilang mga show para walang bulilyaso at hindi sila kinakabahan.

Anyway, ang maganda lang sa Domination US concert tour, mabenta ang tickets no’n, kaya happy raw ang mga producer.

Bongga!

ASAP tickets, maraming perks

Mabili ang platinum ($350) at gold ($250) tickets para sa ASAP Natin ‘To Las Vegas show on Nov. 5.

Pero hindi lang naman sa main show may access ang platinum at gold tickets holders. Marami pa silang benefits sa mahal ng presyo ng tickets nila.

May access sila sa Nov. 4 rehearsal at may pa-meet & greet na rin.

May giveaways din sila ay kung anu-ano pa, kaya sabi ng mga taga-TFC (The Filipino Channel), magmadali na sa pagbili ng platinum at gold tickets.

Bongga. ‘Yun na!

vuukle comment

JOSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with