‘Ayaw kong sagutin…’
Ang daming nag-text sa akin tungkol sa no-hold barred interview ni Shirley Kuan. Sabi ko ayaw kong sagutin kasi bonggang English ang interview. Charrott.
Hindi ko kaya, hah hah hah.
At siyempre nandu’n ang paghanga ko kay Shirley Kuan dahil lahat ng alaga niya super mega star, meaning isa siyang mahusay na manager. Dapat lang hangaan ko siya.
Huwag siyang mag-alala, balewala sa akin ‘yung pag-cancel niya sa presscon ng Beautederm dahil ayaw ko rin na naging dagdag gastos pa ako kay Rhea Tan ng Beautederm eh nalugi naman ang product na ang endorser ay alaga ni Shirley Kuan. Kaya ok lang na bawas gastos kami nina Salve at Gorgy.
Pero ang masasabi ko bongga ang attention ngayon na ibinibigay ni SK sa alaga niya, very special kaya sana ay tanawin itong malaking utang na loob ng kanyang talent.
Basta hindi ko papatulan ang mga sinabi niya, dahil hindi ko naintindihan, kasi nga English noh, alam mo naman ako, jologs, eh si SK bonggang Inglesera, maa-award ako, hah hah hah.
Saka siyempre, mas mahusay siyang manager dahil lahat ng hawak niya superstar, eh ako mga so so stars lang, charot!
At dahil sa taas ng paghanga ko kay SK bilang manager, naniniwala ako na lalampasan ng mga alaga niya ang talents ko, kaya ayoko nang sumagot sa kanya. Baka mag-English nang mag-English, dumugo ang tenga ko.
Next pag-aaralan ko ang Spanish dahil baka ito naman ang maging language ni Shirley dahil may property na sa Spain ang alaga niya na super duper yaman at mega sikat. Kaya Spanish lesson tayo, para maintindihan natin ang ‘Cancellado’ bongga, ‘di bah!
Bow kay Shirley Kuan, super mega manager of all season, no hold barred, bow.
- Latest