Sexy star na si Phoebe Walker, super in love sa DJ na si Rico Robles
Successful ang 20th anniversary event ng Macbeth Apparel last Saturday night sa Metrotent, Pasig.
Talagang isa itong malupet na rakrakan at rampahan to the max na nag-umpisa ng 11:00 a.m. at natapos ng after 12 midnight pa.
Ramdam talaga na-miss ng rock community ang ganitong mga event.
At kabilang sa mga nakipag-rakrakan, ang mag-jowang FM radio DJ na si Rico Robles at sexy star na si Phoebe Walker.
Yup, sila pala ang magkarelasyon sa totoong buhay. “Sinama ko siya, kasi si Phoebe Walker malupet na aktres. Ako, naging fan ako ng pelikula niya, Ukay-Ukay,” sabi ni Rico.
Gaano na kayo katagal?
“Magti-three months. Ka-gym ko siya, sabi ko ok pero may jowa kami pareho noon. Pero nung pandemic ako ‘yung naniniwala na lahat nagdadaan sa sakit ng pandemic pero nung nakilala namin isa’t isa I think it made sense. We put strength from each other at those times,” sagot ng inglesirong DJ.
Recently lang kayo nagkakilala?
“Matagal na, 2017,” hirit naman ni Phoebe
“Matagal na. Recently lang kami nag-date. Then I told her this is a rock ‘n roll event so sumama ka lang kasi masaya rito. ‘Pag rakrakan, ‘pag Macbeth, legit,” dagdag ni Rico.
“She asked me “mahal mo ba ako?” sabi ko “sandali.” Tinanong niya ako “do you love me?” sabi niya “I love you,” sabi ko “and also with you”, sabi ko sa kanya “I know”, “thank you,” pero ngayon sumama siya sa trip ko, sumasama rin ako sa trip niya so sabi ko napapamahal na ako sa kanya.”
Ano ‘yung trip niya na sinasamahan mo?
“Mga pelikula niya. Mga pelikulang mga horror. Ninenerbiyos ako sa horror. Medyo queen of horror ‘to, eh. Sabi ko nagugulat ako sa horror. Nanonood lang ako,” chika pa ni Rico na medyo nakainom na.
Kamusta si Rico as a boyfriend?
“Very supportive. Kasi ‘yun ‘yung naging problema ko sa dati. Parang hindi talaga tanggap ‘yung work ko kasi alam n’yo naman po na nagdaan din ako sa sexy roles. So masarap naman sa feeling.”
“Ako sabi ko “basta magaling ka mag-sexy, galingan mo!,” sey ni Rico.
Ok sa kanya na mag-sexy ka?
“Matagal ko naman na po s’yang decision to really choose the project that I do, obviously hindi tayo mawawala talaga dun sa sexy pero ‘yung sobrang revealing ayoko na po no’n,” saad ulit ni Phoebe.
- Latest