^

PSN Showbiz

Boy Abunda, nagpadala rin ng tulong

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Boy Abunda, nagpadala rin ng tulong
Boy
STAR/ Filr

Umiyak ako nang sabihin ni Gorgy Rula na nagpadala ng love check si Boy Abunda para sa dialysis ko.

Naiyak ako dahil para bang ang dami talagang tao na nagmamahal sa akin.

Gusto ko ngang magyabang na sa rami ng nagbibigay ng love check para sa dialysis ko, parang sa loob ng isang taon bayad na ang pagda-dialysis ko.

At hindi sa pagyayabang, marami pa akong tinanggihan. Tinatanggap ko lang ang tulong ng mga taong mahal ko, ‘yung puwede kong ipagtanggol.

Tinatanggihan ko ‘yung ibinibigay ng mga taong hindi ko masyadong type dahil baka ‘yung ‘freedom of expression’ ko na magbigay ng opinion ay malagay sa alanganin dahil sa tatanawin kong utang na loob sa bibigay nilang tulong eh meron naman ako.

Sa pagkakasakit ko nakita ko na ang dami palang nagmamahal sa akin, na parang kahit anong mangyari nandiyan para tumulong.

Sa mga alaga ko, nakita ko na parang tunay na ina ako ni Bong Revilla. Nagkaroon ako ng sense of security na kahit anong mangyari aalagaan niya ako.

Nakita ko ang willingness sa friends at nagmamahal sa akin sa bugso ng mga tulong na dumating.

Kahit one year akong magda-dialysis, meron na akong pambayad, at mas malaki pa ang mga tinanggihan kong tulong.

My heart is full, dahil feel na feel ko ang dami ng mga kaibigan ko na gusto akong makitang gumaling.

Kina Salve at Gorgy lang parang mga kapatid na inaalagaan ako. Sure ako na kaya madali akong lumakas dahil sa rami ng nagdarasal para sa akin.

BOY ABUNDA

GORGY RULA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with