Ging Reyes, tinanghal na 2022 Southeast Asia Laureate for Wan-Ifra Women in News Editorial Leadership
Pinarangalan si Regina “Ging” Reyes, ang head ng ABS-CBN News, ng prestihiyosong award mula sa World Association of News Publishers (WAN-IFRA) sa 2022 World News Media Congress sa Zaragoza, Spain.
Si Ging ang kinilalang 2022 Southeast Asia Laureate for Women in News Editorial Leadership. Ayon sa WAN-IFRA, ginagawad ang parangal sa isang pinuno ng newsroom na may pambihirang kontribusyon sa kanyang organisasyon at bansa.
Sa kanyang talumpati, binigyang-pugay ni Ging ang kanyang mga kasamahan sa ABS-CBN News at binigyang-diin ang kahalagahan ng malayang pamamahayag.
“I am deeply moved and humbled to receive this recognition on behalf of my entire news team, especially the women in our newsroom and in the field. They are at the forefront of our battle to defend media freedom in our country and preserve the values of our profession. And I am only here because of their collective hard work and sacrifice,” sabi niya.
Bukod sa pagiging pinakamatagal na news chief ng ABS-CBN News, naging North America Bureau chief din si Ging mula 2002 hanggang 2010.
Nagsimula ang karera ni Ging sa ABS-CBN bilang production assistant noong 1986 at kalaunan ay naging executive producer ng The World Tonight, ang longest running newscast ng bansa.
Sa pumumuno ni Ging, nag-transition ang ABS-CBN News sa digital at nagsimula ng multiplatform reporting. Marami na rin siyang nagabayan na mga news producer at mamamahayag.
Tig-isang ‘exceptional’ editorial leader ang pinaparangalan mula sa Southeast Asia, Africa, at Arab Region bawat taon ng WAN-IFRA na misyon ang itaguyod ang karapatan ng mga mamamahayag sa buong mundo. Mula sa iba’t ibang news media outlets sa 120 na bansa ang kumakatawan sa mga miyembro ng WAN-IFRA.
- Latest